Isabel Oli, Pinamangha ang Marami Matapos Ibida sa Beach Photo Kasama ang Anak na si Forest Isang Taon Matapos Manganak

Naging agaw pansin sa maraming netizens ang panibagong larawan na ibinahagi ni Isabel Oli sa kanyang Instagram account, ito ay dahil makalipas ang isang taon matapos niyang ipanganak ang bunsong anak nila ng asawa niyang si John Prats na si baby Forest ay makikita nga na nanumbalik na ang taglay na ganda ng hubog ng katawan ni Isabel.

Credits: Isabel Oli Prats | IG

Sa Instagram ni Isabel ay masisilayan ang naging pagbabahagi niya ng masayang bonding moments nila ng bunsong anak na si baby Forest habang sila ay nagtatampisaw sa tubig dagat.

Agad namang umagaw ng pansin sa marami ang beach body ni Isabel, na talaga namang lumitaw ang taglay niyang kaseksihan sa suot niyang yellow two-piece bikini.

Credits: Isabel Oli Prats | IG

Isang taon nga matapos niyang manganak ay talagang nakakamangha ang beach body na taglay ngayon ni Isabel. Sa isang larawan ay makikita ang naging pagbida niya ng kanyang flat tummy na ngayon, maliliit na mga braso at binti, habang karga-karga nga niya si baby Forest na nakasuot naman ng pink watermelon print swimsuit.

Ang larawan nga na ito ni Isabel, ay kanyang ibinahagi noong mismong araw ng ika-1 taong kaarawan ng bunsong anak niyang si baby Forest bilang pagbibigay niya nga ng pagbati rito.
Kalakip nga ng larawan na ito ni Isabel, ay ang mensahe niya para kay baby Forest, kung saan ay binati niya nga ang anak ng ‘happy birthday’.

Credits: Isabel Oli Prats | IG

“So, today we celebrate that love-filled day…. We pray for nothing but for God to complete and achieve His purpose through you. Happy first birthday, Our @forestprats.”

Ibinahagi rin ni Isabel sa kanyang naging caption na para sa kanya, sa lahat ng kanyang mga anak ay ang naging pagsilang niya kay baby Forest ang pinakanatatangi, dahil sa talagang naging ‘nerve-wracking’ at ‘challenging’ ito.

Matatandaan kasi na ng isinilang ni Isabel ang bunsong anak ay wala sa kanyang tabi ang mister niyang aktor na si John Prats, sapagkat ito nga ay naka-lock in taping sa programang kinabibilangan nito ngayon sa Kapamilya network na ang “FPJ’s Ang Probinsyano.”

Credits: Isabel Oli Prats | IG

Sa kabila naman ng naging ‘challenging’ ang kinaharap ni Isabel ng isinilang niya si baby Forest, ay malaki pa rin ang pasasalamat niya sa Panginoon dahil sa kabila ng ito ay ipinanganak niya sa gitna ng pandemya ay naging maayos naman ang kalagayan nilang mag-ina at ligtas nga niyang naisilang si baby Forest.

“Giving birth to you this pandemic was really challenging, my precious, but thank God we made it.”

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *