Isa ng Negosyante Ngayon ang Mala-Artista sa Kagwapuhan na Unico Hijo ni Jericho Rosales na si Santino Rosales

Noon lamang buwan ng Abril ng kasalukuyang taon ay tuluyan nan gang naging ganap na talent ng Viva Artist agency ang unico hijo ni Jericho Rosales na si Santino Rosales.

Credits: Santino Rosales | Instagram

Hindi nga maikakaila na ngayong binata na si Santino, ay mas lalo pa ngang naging kahanga-hanga ang taglay na kagwapuhan nito, na namana niya pinaghalong hitsura ng kanyang mga magulang. Maliban pa sa napakagwapo niyang hitsura, bata pa lamang ay kinakitaan na rin si Santino ng magandang katangian.

Maliban sa kanyang gwapong mukha, ay taglay rin ni Santino ang kahanga-hangang tangkad ng isang binata, dahil sa ito ay may taas na 6ft.

Dahil sa kanyang taglay nakagwapuhan at pagiging matangkad, ay agad siyang nakapasok sa mundo ng modelling noong siya ay 17-taong gulang pa lamang, kung saan siya nga ay naging miyembro ng Professional Models Association of the Philippines.

Credits: Santino Rosales | Instagram

Kahit naman lumaki sa pag-aaruga ng kanyang ina, ay malapit si Santino sa kanyang amang si Jericho. Hindi rin nawawala ang komunikasyon nilang mag-ama, kaya naman hanggang ngayon ay maayos ang kanilang samahan.

Sa katunayan nga ay marami silang mga bagay na pinagkakasunduan, lalo na pagdating sa sports. Surfing ang isa sa mga sports na nagiging bonding ni Santino at ng ama niyang si Jericho.
Samantala, hindi nga lamang ang kakisigan at kagwapuhan ang namana ni Santino sa kanyang amang aktor, dahil nakuha niya rin rito ang pagiging isang negosyante. Nagsimulang mag-negosyo si Santino noong siya ay nasa edad 15 pa lamang.

Credits: Santino Rosales | Instagram

Inasikaso ni Santino ang food business na itinayo nila ng kanyang inang si Kai Palomares. Ang negosyo nga nila na ito ay ang ‘KAISANT Skews ‘n Brews’ na matatagpuan sa Paranaque City.
Maliban nga sa negosyo nila ng ina ay isa pa ngang negosyo ang pinamamahalaan ni Santino, kung saan sa nakaraang panayam sa kanya ay ibinahagi niya na katuwang ang isang kaibigan ay may panibago nga siyang negosyo na sinimulan.

Credits: Santino Rosales | Instagram

“I’ve already actually started my venture onto business with a friend. We turn car parts into furniture. We had this trade expo at school and we decided to do something outside of the box.

“He had some extra car parts because he has a car shop. So, we decided let’s innovate it. Let’s make it something people want. We both decide to make it into furniture for your house and what we used is all real recycled car parts”, ang naging saad ni Santino sa panayam sa kanya.

Credits: Santino Rosales | Instagram

Sa ngayon ay prayoridad ni Santino ang matapos ang kanyang pag-aaral. Siya ay kumukuha ng kursong Interdisciplinary Business sa De La Salle University.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *