Idol Raffy Tulfo, Ibinahagi ang Magarang Buhay at Ibinida ang mga Koleksyon Niya ng Magagarang Kagamitan

Alam ng karamihan na ang ilan sa mga pinakasikat na personalidad ngayon ay nagmamay-ari ng mga mamahaling mga kagamitan at kasuotan. Ang ilan pa nga ay mayroong koleksiyon ng kanilang mga paboritong brand ng kotse, sapatos, bag, damit, at mga alahas. Ang mga ito ang nagsisilbing gantimpala nila sa sarili para sa kanilang pagsusumikap at pagtatrabaho nang maayos.

Credits: Karen Davila | YT

Para naman sa ilang mga personalidad na galing sa hirap, bumibili sila ng mga mamahaling kagamitan na hindi nila kayang bilhin noon.

Isa na rito si Raffy Tulfo na kilalang-kilala ngayon sa kaniyang programang Raffy Tulfo in Action na nilalapitan ng napakaraming tao na nangangailangan ng tulong. Mayroon din siyang programa na Wanted sa Radyo na mapapakinggan araw-araw. Bukod dito, nauna siyang kinilala sa kaniyang mga proyekto na Philippines’ Most Wanted, Task Force Siyasat, at Problema Mo, Sagot ko.

Credits: Karen Davila | YT

Isa rin sa kaniyang pinakatampok na programa ay ang Isumbong Mo: Tulfo Brothers kung saan siya ay naging host kasama ang kaniyang mga kapatid na sina Ramon, Ben, at Erwin Tulfo. Isa ring manunulat si Raffy sa mga dyaryo gaya ng Abante-Tonite, Abante, at Pinoy Parazzi.

Ngunit bago pa man ang kasikatan at sunod-sunod na trabaho ni Raffy ay nakaranas din siya ng hirap sa kaniyang kabataan.

Credits: Karen Davila | YT

Ayon sa kaniyang panayam kay Karen Davila para sa kaniyang YouTube channel, halos lahat ng kaniyang mga damit noon ay mga luma o pinagliitan na ng kaniyang mga nakatatandang kapatid. Kaya naman ngayon na siya ay nakakaluwag-luwag na sa buhay, ibinibigay niya sa sarili ang lahat ng gusto at kaya niyang bilhin.

Makikita rin sa panayam na ito ang koleksyon ng mga mamahaling sapatos mula sa pinakamahal at pinakasikat na brands gaya ng Balenciaga, Dolce and Gabbana, Burberry, Louis Vuitton, Gucci, at Christian Louboutin. Bukod pa rito, mayroon siyang koleksyon ng mga kurbata mula sa Hermes, Gucci, Versace, at Louis Vuitton.

Credits: Karen Davila | YT

Bilang isang tao na laki sa hirap, talaga namang hindi na ngayon tinitipid ni Raffy ang kaniyang sarili. Ngunit hindi pa rin niya nakakalimutang lumingon sa kaniyang pinanggalingang hirap. Gumawa siya ng paraan upang makatulong sa iba.

Ibinahagi niya ang kaniyang bagong negosyo na Idol Shopping Network, isang online shop kung saan maaaring bumili ang mga tao ng iba’t ibang kagamitan. Bahagi ng kikitain sa negosyong ito ay ibibigay sa mga nangangailangan.

Credits: Karen Davila | YT

Tunay nga na mabuting ehemplo si Raffy Tulfo sa aspeto ng pagsusumikap sa buhay at lubos na pagtulong sa kapwa.

YouTube video player

YouTube video player

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *