Heart Evangelista, Proud Stepmom sa Kambal na Anak ng Kanyang Mister na si Chiz Escudero

Ibinahagi ng Kapuso actress na si Heart Evangelista na ngayon, sa ilang taon na rin nilang pagsasama ng kanyang asawang si Chiz Escudero ay mas nakapag-adjust na siya sa buhay niya bilang misis nito at step-mother ng mga anak nito.

Credit: Heart Evangelista | Instagram

Si Heart ay kilala ng publiko bilang isang fashion icon, na namumuhay ngayon sa glitz at glamour. Ngunit ang hindi alam ng marami sa atin na sa kanyang buhay ay may mga pinagdaanan din siyang pagsubok upang maranasan ang masayang buhay niya ngayon sa piling ng kanyang asawa.

Una na nga sa mga ito ay ang naging pagtutol ng kanyang mga magulang sa kanilang relasyon. At maliban pa dito ay naging ‘challenge’ din para kay Heart ang pagiging isa niyang ‘stepmom’ sa anak na kambal ni Chiz sa nauna nitong napangasawa.

Credit: Heart Evangelista | Instagram

Kamakailan lamang sa Youtube vlog ni Heart ay kanyang inamin na noong una ay talagang naging mahirap sa kanya ang pag-adjust sa buhay mag-asawa nila ng mister niyang si Chiz. Sapagkat, bilang misis nito ay marami siyang nais gawin na kasama ito, ngunit hindi niya magawa sapagkat kasama nilang mag-asawa sa bahay ang anak na kambal ng kanyang mister.

“In the beginning, I must admit it was very, very hard for me to adjust because I’m te youngest of my siblings. And again, I never really had total freedom in my life. And then finally, when I was married, I had all the freedom” saad ni Heart.

Credit: Heart Evangelista | Instagram

Ayon nga sa aktres, inakala niya nung una ng mag-asawa siya ay magagawa na niya lahat ng bagay na naisin niya na hindi niya naranasan noon ng siya ay nasa poder pa ng kanyang mga magulang. Ngunit pagbabahagi ni Heart, dahil nga sa may mga anak ang kanyang asawa, na itinuturing na rin niyang mga anak ay hindi pa rin niya nagawa ang mga bagay na nais niya kasama ito. Kaya naman talagang nahirapan din siyang mag-adjust nung una.

Inamin din niya na sa unang pagsasama nila ng asawa ay may pagka-immature pa siya, ngunit sa paglipas nga ng panahon ay mas natutunan na niya ibalanse ang buhay na pinasok niya, lalo na ngayon na mas naging mature na nga siya.

“But then you know, I couldn’t make out with my husband anywhere in the house we have kids. And that was really, really hard for me. I mean, making out was not the hard part, I’m just saying that the set-up was such an adjustment because I really had to mature and I wasn’t thinking my age. I was so much more immature during those times. So it was really hard for me, I would cry”, pagbabahagi pa ni Heart.

Credit: facebook | Image

Ngayon nga na nakapag-adjust na si Heart sa kanyang buhay bilang isang stepmom, ay masasabi niyang masaya siya, dahil sa naranasan niya ang maging isang ina nina Quino at Chesi, ang kambal na anak nga ng mister niyang si Chiz Escudero.

Matatandaan na ikinasal sina Heary Evangelista at Chiz Escudero noong taong 2015 sa Balesin Island, Polilo Quezon. Ang kanilang pagmamahalan naman ay nag-umoisa noong taong 2012.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *