Gwapitong Anak ni Piolo na si Iňigo Pascual Nagmamay-Ari na ng Farm sa Edad Niyang 23

Si Iňigo Pascual ay kilala bilang isa sa mga mang-aawit at aktor ngayon sa industriya ng showbiz, maliban dito ay nakilala rin siya ng publiko bilang ang anak ng aktor na si Piolo Pascual.
Sa ngayon nga ay nasa edad 23 na si Iňigo, at sa kanya ngang edad na ito ay marami na sa mga pangarap niya ang kanyang natupad kagaya na lamang nito ay ang pagkakaroon ng sarili niyang farm.

Credits: Iňigo Pascual | Instagram

Ang farm na matatagpuan sa Rizal, ay isa lamang sa mga naipundar ng property ni Iňigo sa edad niyang 23, at ayon sa kanya ay handog niya rin para sa kanyang Lolo ang naturang farm niya na ito.

Matatandaan na sa mga naunang panayam noon kay Iňigo ay nai-kuwento nga niya ang kagustuhan niya na magkaroon ng sarili niyang farm. At ngayon nga na natupad na niya ito, ay sinimulan naman niya
ang bigyan ito ng buhay, kagaya na lamang ng pag-aalaga ng iba’t ibang mga hayop. Bumili siya ng mga kabayo, at nag-alaga rin ng iba pang hayop katulad ng baboy at baka.

Credits: Iňigo Pascual | Instagram

“I’ve always wanted to have horse. I’ve always wanted to learn how to ride horses by myself and to even have my own farm.”

Ayon nga kay Iňigo, gustong-gusto niya ang magkaroon ng kabayo at matuto na sumakay dito, kaya naman ng matupad niya ang pagkakaroon ng sarili niyang farm, ay tinupad niya rin ang magkaroon ng alagang kabayo.

Credits: Iňigo Pascual | Instagram

“Parang sobrang pangarap ko talaga ‘yon bata pa lang ako. And also to have my lolo here with me and makita siya na sobrang excited to be there”, saad pa ng aktor.

Pagbabahagi pa ni Iňigo, isa siyang ‘nature lover’ kaya naman pangarap niya ang magkaroon ng sariling farm. Mas nare-relaks umano siya kapag nasa isa siyang tahimik na lugar, na napapalibutan mapayapa at maaliwalas na kalikasan.

Credits: Iňigo Pascual | Instagram

“Ako kasi I’ve always love nature. Paraang doon ako kumakalma, doon ko nakakalimutan ang stress, ang problema.”

Nai-kuwento pa niya ang mga bagay na kinahiligan niya noong siya ay bata pa na may kinalaman sa kalikasan

“Hilig ko lang talaga bata pa ako, hilig ko bundok, hilig ko mag-hike, magpunta sa beach. So anything nature-related eh’yon ang trip ko na gawin on mat spare time”

Samantala, hindi naman lingid sa kaalaman nating lahat na ang ama ni Iňigo na si Piolo Pascual ay isa ring nature lover at tila nga namana ni Inigo sa kanyang ama ang pagkahilig niya sa kalikasan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *