Ganap ng Teenager sa Edad na 13 ang Napakagwapong Unico Hijo ni Jennylyn Mercado na si Alex Jazz

Hindi naman talaga natin namamalayan ang matuling paglipas ng panahon, kagaya na lamang ng matuling paglipas ng kabataan ng anak ng unico hijo ni Jennylyn Mercado na si Alex Jazz na ngayon nga ay ganap ng Teenager.

Credits: Jen Mercado | Instagram

“My Jazz is now officially teenager! Pero he will remain my baby boy forever.”, ito nga ang naging masayang pagbabahagi ng Ultimate Star ng Kapuso network na si Jennylyn Mercado sa kanyang Instagram account nito lamang araw ng Lunes, ika-16 ng Agosto.

Sa Instagram account ni Jennylyn ay makikita ang naging pagbabahagi niya ng sama-samang mga larawan na kuha sa naging ‘intimate celebration’ ng ika-13 taong kaarawan ng kanyang anak na si Jazz. Kasama nilang mag-ina sa nasabing pagdiriwang ang boyfriend ngayon ni Jennylyn na si Dennis Trillo at ang anak nitong si Calix.

Credits: Jen Mercado | Instagram

Ang mga larawan nga na ibihagi ni Jennylyn ay may kalakip na caption na nagsasabing ganap ng isang teenager ang kanyang nag-iisang anak, ngunit kahit na teenager na ito ay para naman sa aktres ay ito pa rin ang kanyang nag iisang baby boy.

Hindi rin nakalimutan ng Kapuso star na ilahad ang kanyang pagbati ng Maligayang Kaarawan para sa kanyang unico hijo, at ang pagmamahal niya para rito.

Credits: Jen Mercado | Instagram

“My Jazz is now officially teenager! Pero he will remain my baby boy forever! Happy 13th, my Jazzy [red heart emoji]. I love you so much”, ang kabuuan ng caption ni Jennylyn.

Kahit naman nanatiling naka-enhance community quarantine ang lugar kung saan naninirahan si Jennylyn at ang kanyang anak ay nagawa pa rin ng aktres na maging espesyal ang selebrasyon ng kaarawan ng anak niyang si Jazz.

Credits: Jen Mercado | Instagram

Makikita nga na isang intimate We Bare Bears -themed birthday party sa loob ng kanilang tahanan ang inorganisa ni Jennylyn para maging espesyal ang ika-13 taong kaarawan ng kanyang teenager ng anak.

Ngayon nga na isa ng teenager si Jazz ay mas lalo pang maaninag ang taglay nitong karisma at kagwapuhan. Hindi naman kataka-taka na magkaroon ang binata ng ‘artistahin looks’ dahil ang kanyang mga magulang ay parehong artista na may maganda at gwapong hitsura.

Credits: Jen Mercado | Instagram

Matatandaan na si Alex Jazz ay anak ni Jennylyn Mercado sa kanyang dating nobyo na si Patrick Garcia, kaya naman ang taglay na kagwapuhan ni Jazz ay pang Matinee Idol talaga.
Isinilang si Alex Jazz noong ika-16 ng Agosto taong 2008 ng kanyang inang si Jennylyn Mercado sa St. Lukes Hospital sa Quezon City.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *