Kamakailan lamang ay ipinagdiwang na ng pamilya ng celebrity couple na sina Isabel Oli at John Prats ang 1st birthday ng bunsong anak nila na si baby Forest.
Credit: Niceprint Photos
Sa Instagram account ng aktor at ngayon nga ay isa na ring direktor na si John Prats ay kanyang ibinahagi ang naging masayang selebrasyon nila ng kanyang pamilya ng unang taong kaarawan ng anak niyang si baby Forest.
Makikita sa IG post niya ang pagbabahagi niya ng mga larawan na kuha sa nasabing pagdiriwang, at kalakip nga nito ay ang naging caption niya na nagpapahayag naman ng kanyang pasasalamat para sa lahat ng mga taong tumulong at naki-celebrate sa kanila para maidaos ng maayos at masaya ang kaarawan ng anak.
Kita nga sa mga larawan na ibinahagi ni John kung gaano kaganda at bongga ang naging 1 st birthday ng bunsong anak nila ng misis niyang si Isabel Oli na si baby Forest. Ang tema nga ng kaarawan na ito ni baby Forest at Teddy bear theme, kaya naman ang makikitang mga dekorasyon ay mga teddy bear.
Credit: Niceprint Photos
Ngunit, sa ganda at pagiging makulay ng naging venue nga na ito ng kaarawan ni baby Forest, sinong mag-aakala na ito pala ay ginanap lamang sa garahe ng tahanan nila?
Inilahad ni John Prats sa kanyang caption kung gaano siya namangha sa grupo na nag-ayos ng 1st birthday ng kanyang anak, dahil sa hind inga mababakas na ito ay sa garahe lamang ng kanilang tahanan.
Credit: Niceprint Photos
“Thank you @teddymanuel for this wonderful set up para sa 1st birthday ng bunso ko. Mahal na mahal ka naming ni Liv. From our wedding to concerts and now mga events ng mga anak ko. Salamat ng marami
P.S Garahe po naming to… ganun kalupit ang Team @teddymanuel”, ang naging caption ng ani Pratty sa kanyang IG post.
Ipinakita naman ni John sa mga sumunod niyang post ang iba pa nga mga larawan na kuha sa nasabing selebrasyon, kung saan ito nga ay dinaluhan lamang ng kanilang pamilya. Mapapansin naman na ang outfit ng buong pamilya ay puro kulay yellow, at ito nga ay para bumagay sa tema ng kaarawan ni baby Forest.
Credit: Niceprint Photos
Nagbahagi rin si Pratty ng kanyang mensahe ng pagbati para sa bunsong anak na si Forest na nagdiriwang ng ika-1 taong kaarawan nito.
“Blessed 1st birthday my bunso. Sobrang saya ng puso ko at kasama ko kayo ngayong kaarawan mo. Maraming salamat sa’yo @forestprats sa ligayang dala mo sa aming lahat. Lagi lang kami andito ng mama mo para sa inyo. I love you anak!”
Credit: Niceprint Photos
Marami naman ang talagang namangha ng malaman nila na ang napakaganda at bonggang selebrasyon ng kaarawan ni baby Forest ay naganap lamang sa garahe ng tahanan nina John Prats. Marami rin ang nagbigay ng pagbati para sa kaarawan ng napaka-kyut na si baby Forest.