Connect with us

Entertainment

Childhood Photo ni Jodi Sta. Maria na Ibinahagi Niya sa Kanyang Social Media Account Kinagiliwan ng Maraming Netizens

Isa sa mga pinakamahuhusay na aktres ng kanyang henerasyon ay ang 39-taong gulang na aktres ngayon na si Jodi Sta. Maria, o sa tunay na buhay ay si Jodi Chrissie Garcia Sta. Maria.

Dahil sa kanyang angking husay at talento bilang isang aktres, kung saan kahit anong karakter ang gampanan niya, ito man ay mapa-kontrabida o bida, ay talaga namang nabibigyan niya ito ng buhay at hustisya. Kaya naman halos lahat ng mga ginampanan na karakter ni Jodi sa mga naging proyekto niya, ay tumatak sa isipan ng maraming mga manonood.

Photo credits: Jodi Sta Maria | IG

Samantala, hind inga lamang kilala bilang isang mahusay at matagumpay na aktres si Jodi sa industriya ng showbiz. Dahil maliban sa kanyang tinatamasang tagumpay sa kanyang showbiz career, ay isa rin siyang matagumpay na businesswoman.

Maliban pa sa husay bilang isang aktres at pagiging businesswoman, ay kahanga-hanga rin ang angking katalinuhan ni Jodi, sapagka’t isa rin siyang academic achiever, kung saan kamakailan nga lamang sa kanyang naging pagtatapos ng kolehiyo ay napangaralan siya bilang isang Dean’s lister.

Photo credits: Jodi Sta Maria | IG

Marahil, dahil sa napakaraming mga tagumpay sa buhay ni Jodi ay inakala nga ng marami na hindi na-enjoy ng aktres ang kanyang kabataan, ngunit sa ipinakitang larawan ni Jodi nito lamang nakaraan, ay mapagmamasdan nga na dumaan rin sa masayang buhay ng pagkabata ang aktres.

Sa social media account ni Jodi ay makikita ang naging pagbabahagi niya ng mga larawan niya noong kanyang kabataan, at kitang-kita nga sa mga larawan na noon pa man ay taglay na niya ang kakyutan at ka-charmingan kaya naman ang mga netizens ay hindi napigilan na magbigay komento kung gaano nga kakyut si Jodi nung kabataan nito.

Kalakip naman ng mga larawan na ibinahagi ni Jodi ang caption, kung saan ay kanyang ibinahagi ang ilan sa mga hinding-hindi niya malilimutang karanasan nung siya ay bata pa.

Photo credits: Jodi Sta Maria | IG

Ayon sa naging caption ni Jodi, noon daw ay nagagawa niyang tumakas sa kanilang bahay para lamang makipaglaro sa kanilang mga kapitbahay. At kagaya ng ibang mga karanasan ng kabataan, ay napapagalitan rin siya noon ng kanyang mga magulang, ngunit kahit napagalitan, ay ayos lang ito dahil nga sa talaga namang nasiyahan siya sa kanyang pakikipaglaro sa kapitbahay nila.

Photo credits: Jodi Sta Maria | IG

Dagdag pa ng aktres, ilan nga sa mga nilalaro niya noon ay ang “touch taya”, “10-20” at ang plastic balloon na hindi maarng bumagsak sa lupa kaya kinakailangan na ito’y mahipan upang mapanatiling lumulutang sa hangin.
Ibinahagi rin ni Jodi, na isa sa mga na-miss niya noong kanyang kabataan ay ang paghihintay niya sa pagdating ng mais vendor, ganun din ang pangongolekta niya ng bote at dyaryo na ipinapalit naman sa makakain niyang chichiria.

Isa pa rin umano sa mga hindi malilimutang karanasan ni Jodi na talagang isa sa mga masasayang karanasan ng isang bata ay ang magtampisaw sa ulan.

Naka-relate naman ang maraming mga netizens sa naging pagbabahagi ni Jodi ng kanyang kabataan, at maging ilan nga sa mga katrabaho at kaibigan niya sa industriya ng showbiz ay sumang-ayon din sa aktres sa kung gaano nga naman kagandang balik-balikan ang alaala ng kabataan.

error: Content is protected !!