Child Wonder Noon na si Makisig Morales Ibinida ang Pambansang Kasuotan ng Pilipinas Kasama ang Asawa Niyang si Nicole Joson

Si Makisig Morales ay isa sa mga sikat na child wonder noon sa industriya ng showbusiness. Siya ay mas nakilala ng publiko ng gampanan niya ang pagiging si ‘Super Inggo’ na umere sa ABS-CBN network.
Sa kasalukuyan ay naninirahan na si Makisig Morales sa Sydney, Australia, kasama ang kanyang pamilya, kaya naman hindi na nga natin siya gaano nasisilayan sa anumang proyekto sa telebisyon.

Credit: Nicole Joson | Instagram

Samantala, ang dating ‘child wonder’ ay ikinasal na nga. Ang kanyang napangasawa ay ang nobya niyang si Nicole Joson, na isa namang Filipino-Australian beauty queen. Naganap ang kanilang pag-iisang dibdib sa isa sa mga sikat na tourist spot sa Sydney, Australia at ito nga ay sa La Perouse.

Ang kuwento ng pag-iibigan ng dalawa ay nagsimula sa bansang Australia, kung saan ay dito sila nagkakilala matapos ngang lumipat sa nasabing bansa ni Makisig kasama ang pamilya niya.
Si Nicole Joson ay nagwaging Australia Charity 2017 at naging isa rin siya sa mga finalist ng Miss World Australia 2017, kaya naman ang kanyang angking kagandan ay isa sa mga bumihag sa puso ng child wonder noon na si Makisig.

Credit: Makisig Morales | Instagram

Kamakailan nga lamang ay muling umagaw ng pansin si Makisig at ang kanyang asawang si Nicole Joson sa publiko, at ito nga ay matapos lumabas ang mga larawan ng naging photo shoot nila kung saan ay ibinida nila ang pambansang kasuotan ng Pilipinas.
Habang suot ang pambansang kasuotan ng Pilipinas para sa mga kalalakihan na Barong Tagalog, ay kitang kita ang kakisigan ni Makisig. Samantala ang kanyang misis naman na si Nicole ay nakasuot ng Baro’t Saya na pambansanng kasuotan para sa mga kababaihan ng ating bansa, ay litaw na litaw rin ang angking kagandahan.

Makikita sa IG post ni Makisig ng ibahagi niya ang naging pagsabak nga niya sa pagmomodelo, na ayon pa sa kanya ay isa nga ito sa mga karanasan niya na hindi niya malilimutan.

Credit: Makisig Morales | Instagram

“Lets go. Napasabak ang lolo niyo sap ag momodel. Kidding aside, im blessed to be working with these talented people. Grabe yung sand dunes adventures natin. Pero it’s experience I will never forget. Love love love.”

Maliban pa dito, ay nagbahagi rin ng appreciation message si Makisig para sa misis niyang si Nicole, at nilakip pa nga niya ang napakagandang larawan nito habang nakasuot ng Baro’t Saya.

Credit: Makisig Morales | Instagram

“A safe and peaceful afternoon everyone. I just want to share this because every time I see this photo, I see an independent, strong, and loving person who will never give up kahit ilang beses madapa. May topak minsan? Sure. Lahat naman ng tao, pero kahit ganun mas matimbang parin yung love. Wag ka mag-alal, hindi ako magsasawang suyuin ka at gawan ka ng tea or coffee every morning. I love you @_nicolejoson_”

Credit: Nicole Joson | Instagram

Tunay na napakabilis ng paglipas ng panahon, dahil sinong mag-aakala na ang child wonder noon na minahal ng marami na si Super Inggo ay nagsimula na ring bumuo ng kanyang sariling pamilya at kitang kita naman kung gaano ito kasaya sa piling ng kanyang napangasawa.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *