Bea Alonzo, Ipinasilip ang Part 2 ng naging Bakasyon niya at ng kanyang Boyfriend na si Dominic Roque sa California

Napakasarap naman talagang mag-travel at bisitahin ang magagandang lugar kasama ang taong mahal. Bawat sandali nga, ay damang-dama sa tuwing masisilayan ang ganda ng lugar kapag kasama ang taong iniibig. Kaya naman, ang aktres na si Bea Alonzo ay talagang sinulit ang masayang bakasyon sa California kasama ang kanyang boyfriend na si Dominic Roque.

Espesyal naman ang bakasyon na ito ni Bea kasama si Dominic, dahil sa kanilang masayang bakasyon ay nabunyag ang tunay na estado ng kanilang relasyon. At ngayon nga, ay malaya na silang ipakita sa madla ang nag-uumapaw nilang kasweetan na nagpapatunay ng kanilang tapat pag-iibigan.

Sa part 1 ng vlog ni Bea na “California Road Trip”, ay nasaksihan ng kanilang mga tagahanga ang kilig at pagmamahal nila sa isa’t isa. Hindi naman dito natatapos ang masayang bakasyon ng aktres sa US kasama ang nobyo, dahil sa part 2 ng kanyang vlog ay marami pa silang binisitang lugar, at nakasama rin ni Bea ang mga kamag-anak ni Dominic.

Photo credits: Bea Alonzo | Youtube

Tila nga, hindi nauubos ang magagandang lugar sa California na talaga namang hatid ay napakagandang tanawin. Katulad na lamang nga ng Bixby Bridge na ipinasilip ni Bea sa kanyang vlog ang angking ganda nito.

Photo credits: Bea Alonzo | Youtube

Maliban naman sa paglilibot sa magagandang lugar, at pagkain ng masasarap na dishes sa iba’t ibang restaurant, ay nagkaroon rin ang magkasintahan ng camping at hiking sa Yosemite National Park sa loob ng tatlong araw. At makikita nga na talagang enjoy na enjoy ang magkasintahan sa kanilang bonding moments na sweet na sweet sa isa’t isa.

Photo credits: Bea Alonzo | Youtube

Isa naman sa kaabang-abang sa part2 vlog ni Bea ng kanilang bakasyon sa US, ay ang masayang pagdiriwang ng 31st birthday ng kanyang nobyong si Dominic. Sa espesyal na araw ni Dominic, ay nagkaroon sila ng simpleng salo-salo kung saan nga ay nakasama nila ang Tita ng aktor na si Beth Tamayo. At base naman sa kuha ng video, ay makikitang naging mainit ang pagtanggap ng pamilya ni Dominic sa kanyang napakagandang girlfriend na si Bea.

Photo credits: Bea Alonzo | Youtube

Photo credits: Bea Alonzo | Youtube

Tila nga natagpuan na ni Bea kay Dominic ang kaligayahang hinahanap ng kanyang puso, na bukod sa napaka-sweet at caring, ay talaga namang mahal na mahal siya.

Photo credits: Bea Alonzo | Youtube

Ang masayang adventure na ito nina Bea at Dominic sa US, ay tiyak na hindi nila makakalimutan. Hindi lamang ang magagandang lugar na kanilang pinuntahan, at masasarap na pagkain na kanilang natikman, ang tatatak sa kanilang puso’t isipan kundi pati narin ang mga sweet moments na kanilang pinagsaluhan.

Photo credits: Bea Alonzo | Youtube

Photo credits: Bea Alonzo | Youtube

Marami naman sa mga tagahanga nina Bea at Dominic ang ngayon nga ay kilig na kilig at masayang-masaya dahil nakikita nilang masaya at makulay na lovelife ng kanilang mga idolo.

CALIFORNIA ROAD TRIP PART 2 (USA TRAVEL VLOG) | Bea Alonzo

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *