Bagong Kapamilya Star, Janine Gutierrez May Nakakaantig na Mensahe Para sa Amang si Monching na Nagdiwang ng Ika-52 Taon Nitong Kaarawan

Para sa pagdiriwang ng ika-52 taong kaarawan ni Ramon Christopher ‘Monching’ Gutierrez ay isang nakakaantig na mensahe ang naging handog para sa sa kanya ng anak niyang aktres na si Janine Gutierrez.

Credits: Janine Gutierrez | Instagram

Nito nga lamang araw ng Sabado, ika-14 ng Agosto ay ibinahagi ng ‘Marry Me, Marry You’ star na si Janine Gutierrez ang kanyang pagmamahal at pagpapahalaga sa kanyang amang si Monching sa pamamagitan nga ng mensahe niya para rito sa araw ng kaarawan nito.

Maliban pa dito, pinasalamatan din ng bagong Kapamilya star ang kanyang ama sa lahat ng sakripisyo at pagmamahal nito para sa kanilang magkakaptid. Ayon pa kay Janine, masasabi niyang ‘best papa’ ang kanyang ama hindi lang sa kanya, kundi sa kanilang lahat ng kanyang mga kapatid.

Credits: Janine Gutierrez | Instagram

“Half of my heart. Happy birthday, papa!!! I always post your pogi pics naman so I hope it’s okay to post these,” saad ni Janine sa kanyang post.

Kalakip nga ng mensahe na ito ng Kapamilya star sa kanyang ama ay ang throwback photo ng ama niyang si Monching, maging ang mga video clips na nagpapakita ng ‘candid moments’ nila ng ama.

Dagdag na saad pa ni Janine, “I love you @monchinggutz!!!!! life with you is the best ride. you make us so happy, obviously. thank you for being the best Papa.”

Credits: Janine Gutierrez | Instagram

Sa mensahe nga na ito ni Janine para sa kanyang ama ay damang-dama ang pagmamahal niya rito, at proud siya na ito ang kanyang ama dahil sa itinuturing nga niya si Monching na isa sa mga pinaka-best tatay sa mundo.

Si Janine Gutierrez ay isa sa mga hinahangaan at kilalang aktres ngayon sa industriya ng showbiz, na ngayon nga ay nagpapakita ng kanyang talento bilang mahusay na artistasa ilalim ng pamunuan ng Kapamilya network.

Credits: Janine Gutierrez | Instagram

Siya’y panganay na anak ng dating mag-asawang sina Lotlot de Leon at Monching Gutierrez, at siya nga ay may tatlo pang mga kapatid na sina Jessica, Diego at Maxine.
Samantala, para naman sa kanyang ika-52 taong kaarawan, ay nagbigay mensahe rin si Monching Gutierrez para sa kanyang mga anak na hindi nga nakalimot na batiin siya sa espesyal na araw ng kanyang buhay.

“Turned 52 today. Just want to thank my family and friends who greeted me but most importantly I’d like to thank my kids who love me unconditionally and always have my back. Love you so much,” saad ni Monching.

Matatandaan naman na noong makapanayam si Monching sa programang Magandang Buhay ng Kapamilya network, ay ibinahagi niya na maituturing niyang isa siya sa mga mapalad na ama dahil sa biniyayaan siya ng mabubuting mga anak.

Credits: Janine Gutierrez | Instagram

Ibinahagi rin niya na ang tanging kahilingan lamang niya para sa kanyang mga anak ay ang mabigyang katuparan ng mga ito ang lahat ng minimithi nila sa kanilang mga buhay.

Sa panayam rin na ito, ay kasama ni Monching ang anak niyang si Janine na nagbahagi naman ng kanyang saloobin para sa ama, kung saan ay sinabi nga ng aktres na kailanman ay hindi niya bibiguin ang ama sa mga pangarap nito para sa kanya, at inilahad niya rin na mahal na mahal nilang magkakapatid ang kanilang amang si Monching.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *