Baby Girl ng Mag-Asawang Aubrey Miles at Troy Montero na si Baby Rocket, Kinaaliwan Dahil sa Kanyang Pagka-Cute at Adorable

Ang mag-asawang Aubrey Miles at Troy Montero ay isa sa mga tinaguriang hot couples sa mundo ng showbusiness. Ito’y hindi lang dahil sa kanilang pagiging mahusay na host, kundi dahil sa pareho ngang nakakabilib ang pagiging fit and healthy nilang mag-asawa na kitang-kita naman sa kanilang nakakamanghang taglay na pangangatawan.

Credit: Aubrey Miles | Instagram

Parehong nasa edad na 43-taon na ang mag-asawa, ngunit dahil nga sa pagiging fit ng kanilang pangangatawan at tamang pangangalaga sa kalusugan nila ay hind inga nagiging kapansin-pansin sa muka ng mag-asawa ang tunay nilang edad. “Forty is the new twenty”, para nga sa celebrity couple.

Samantala, hindi naman maikakaila na dahil sa parehong maganda at gwapo ang mag-asawa ay mamamana rin ito ng kanilang magiging anak. Kaya naman ng isilang ni Aubrey Miles ang kanilang baby girl noon lamang ika-14 ng Disyembre taong 2018 na pinangalanan nilang baby Rocket Miller, ay talaga namang kitang-kita rito ang mga magagandang pisikal na katangian na namana niya sa kanyang mga magulang.

Credit: Aubrey Miles | Instagram

Dahil nga sa pagiging kyut at adorable ni baby Rocket, ay madalas na ibinabahagi ng kanyang mga magulang ang larawan nito sa kani-kanilang social media account, at dito na nga nagsimula na kagiliwan ng kanilang mga tagahanga ang baby girl nila.

Maliban nga kay baby Rocket, ay may dalawa pang anak ang mag-asawang Aubrey at Troy, at ito nga ay ang mga kuya ng kanilang only girl na anak, na sina Maurice at Hunter.

Credit: Aubrey Miles | Instagram

Makikita nga sa mga larawan na ibinahagi ng mag-asawa kung saan ay magkakasama ang kanilang mga anak, na mahal na mahal ng kanilang mga anak na lalaki ang nakababata at nag-iisang kapatid na babae ng mga ito.

Credit: Aubrey Miles | Instagram

Kinagiliwan naman ng mga netizens ang pagiging natural ni baby Rocket, lalo na sa harap ng kamera.

Batid naman nating lahat na ang mga magulang ni baby Rocket na sina Aubrey at Troy ay parehong adventurous at hilig din ng mga ito ang magbakasyon, kaya naman ang kanilang anak na si baby Rocket ay nag-e-enjoy din kapag nag-ge-getaway ang kanyang pamilya.

Ngayon nga ay nasa dalawang taong gulang na si baby Rocket, at kamangha-mangha nga naman ang mabilis na paglaki nito. Nagagawa na rin nitong salubungin ang kanyang amang si Troy kapag ito ay dumarating galing sa lakad nito.

 

Credit: Aubrey Miles | Instagram

Isa naman sa talagang nagpapadagdag ng taglay na kakyutan kay baby Rocket ay ang kanyang ‘curly hair’ na bumagay sa kanyang magandang muka.
Hindi naman maiaalis sa ibang netizens, na umasa na kapag lumaki si baby Rocket ay papasok rin ito sa mundo ng showbiz, lalo na nga’t parehong artista ang kanyang mga magulang.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *