Awra Briguela, Proud sa Kaniyang Pagtatapos sa High School at Showbiz Career

Sa henerasyon ng mga batang artista ngayon, isa si McNeal “Awra” Briguela sa mga pinakakilalang aktor. Nadiskubre si Awra sa isang viral video kung saan ginagaya nito ang ilang artista. Nakita naman ito ni Coco Martin at kinuha siya upang gumanap bilang Makmak sa FPJ’s Ang Probinsyano.

Credit: Awra Briguela | Instagram

Dahil sa kaniyang galing sa pag-arte, unti-unti siyang nadiskubre ng ilan pang mga artista gaya ni Vice Ganda. Dahil dito, nagkaroon pa siya ng napakaraming proyekto gaya ng The Super Parental Guardians at Your Face Sounds Familiar: Kids kung saan siya ang tinanghal na grand winner.
Matatandaan na inilahad ang kwento ng kaniyang buhay sa Maalaala Mo Kaya dahil sa kaniyang tagumpay at kasikatan. At Dahil nga sa naging magandang takbo ng kanyang karera at dami ng mga proyekto na kanya na ring kinabilangan ay kinilala siya bilang “breakout child star”.

Ang husay at talento ni Awra ay talaga namang ipinamalas niya ng napakaraming beses sa mga proyekto na ibinigay sa kanya. Kaya naman sa naging pagpapamalas niya ng husay at galing bilang isang batang artista ay ginawaran siya ng parangal sa 30th PMPC Star Awards for TV bilang Best Child Performer.

Credit: Awra Briguela | Instagram

Sa ngayon, mayroon ng higit sa 50,000 na followers sa Facebook at Twitter si Awra. Mayroon naman siyang higit sa 2 milyong followers sa Instagram.
Bukod sa kaniyang tagumpay sa larangan ng pag-arte, lalong hinangaan si Awra nang mapagtapos niya ang kaniyang ama sa kolehiyo, kung saan ay pinatunayan nga niya ang pagiging isa niyang uliran na anak sa kanyang mga magulang.

Samantala, batid ng marami sa atin na maliban sa kasikatan at kaginhawahan na ibinibibigay ng mga proyekto sa showbusiness, marami pa ring hamon ang kinahaharap ng isang batang aktor. Isa na rito ang iskedyul ng mga taping at ang iskedyul para sa kanilang pag-aaral. Kaya naman ang ilan sa mga batang aktor ay sinasakripisyo ang kanilang pag-aaral upang magpatuloy sa pagtatrabaho sa showbusiness.

Credit: Awra Briguela | Instagram

Ngunit kamakailan lamang ay pinatunayan ni Awra na sa kabila ng pagiging abala niya sa kanyang showbiz career ay napakahalaga pa rin sa kanya ng kanyang pag-aaral, kaya naman masaya niyang ibinahagi sa lahat ang naging pagtatapos niya sa Junior High School.
Sa naging panayam sa kanya, ay proud niyang sinabi na hindi siya tumigil sa pag-aaral kahit na abala siya sa sunod-sunod na mga proyekto noong nakaraang limang taon.

Ibinahagi naman niya sa kaniyang Instagram post kamakailan lamang na kahit mahirap at nakakapagod ang ginawa niyang pagsabayin ang pag-aaral at kanyang trabaho sa showbiz ay pinilit niyang maibalanse ang mga ito sapagkat ginusto niyang makapagtapos ng may diploma at maging matagumpay rin sa kaniyang trabaho.

Credit: Awra Briguela | Instagram

Dagdag pa niya mayroon ding mga pagkakataon na nawalan na siya ng gana sa pag-aaral ngunit nagpasalamat siya sa kaniyang pamilya, mga katrabaho, kaklase, at guro na walang-sawang gumabay sa kaniya. Ayon pa sa kaniya, nag-enjoy lang siya sa pagtatrabaho at pag-aaral upang kayanin ang bigat ng iskedyul. Tunay nga dapat hangaan ang batang aktor sa aspetong ito.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *