Awra Briguela Maituturing na Isang Ulirang Anak, Umani ng Paghanga Matapos Pagtapusin ng Kolehiyo ang Kanyang Ama

Ang madalas nga nating naririnig na kuwento ng inspirasyon ay ang pagsasakripisyo ng magulang upang mabigyan ng magandang edukasyon ang kanyang anak, ngunit pinatunayan ni Awra, na maari rin naman na ang anak ang mag sakripisyo para maibigay ang edukasyon na pinapangarap ng kanyang magulang. At ito nga ay sa pamamagitan ng pagpapatapos niya sa kanyang ama sa pag-aaral nito ng kolehiyo.

Credit: Awra Briguela | Instagram

Hindi lingid sa kaalaman ng marami sa atin na si Awra Briguela ay nagmula sa pamilya na minsan ng naging kapos sa buhay. Kaya naman ng mabigyan ng ‘break’ si Awra sa industriya ng showbiz, ay itinaguyod na niya ang kanilang pamilya sa murang edad niya.

Samantala, maliban nga sa naging pagtustos ni Awra sa lahat ng pangangailangan ng kanilang pamilya, ay muli ring pinabalik ni Awra sa pag-aaral ang kanyang ama, at siya nga ang nagtustos sa lahat ng kailangan nito para makapagtapos ng pag-aaral.

Credit: Awra Briguela | Instagram

Kamakailan lamang sa kanyang social media account, ay masayang ibinahagi ni Awra ang mga larawan nilang magpamilya kung saan nga ay makikita na ang kanyang ama ay nakasuot ng toga. Ang larawan nga na ito ay kuha sa naging matagumpay na pagtatapos ng kanyang ama sa kolehiyo, kaya naman bakas ang kaligayahan nilang buong pamilya sa larawan.

Proud naman si Awra sa kanyang ama, dahil sa nakita niya kung gaano ito nagpursige na makamit ang pangarap nitong diploma. Dagdag pa ni Awra, para sa kanila ng kanyang mga kapatid ay isang inspirasyon ang kanilang ama, sapagkat pinatunayan nito kung gaano kahalaga sa buhay ng isang tao ang magkaroon ng edukasyon.

Saad pa niya, patunay rin ang kanyang ama sa kailanman ay hindi magiging hadlang sa sinoman ang edad para makapagtapos ng pag-aaral.

Credit: Awra Briguela | Instagram

“Congrats Papa! So proud of you! Sab inga nila, it’s better than late, than never!”, ang naging caption ni Awra, sabay bati na nga sa kanyang ama.

Dagdag pa niya, “Kaming lahat na mga anak mo, sobrang saludo sayo! Kasi ipinakita mo sa akin kung gaano kahalaga ang pag-aaral! I love you Papa! Congrats ulit!!!!”
Umani naman ng paghanga mula sa marami si Awra Briguela, dahil pagiging isang uliran nitong anak, lalo na nga at tinulungan niya ang kanyang ama na makamit ang pangarap nito na makapagtapos ng kolehiyo at magkaroon ng diploma.

Isa nga sa mga talagang napahanga ni Awra, ay ang talent manager na si Ogie Diaz, kung saan ayon nga kay Ogie ay hindi pangkaraniwan ang kuwento ni Awra at ng kanyang ama. Dahil ang madalas nga nating naririnig ay ang pagtatapos ng mga anak sa tulong ng kanilang mga magulang, ngunit ito nga ay ang pagtatapos ng isang ama dahil sa suporta at tulong ng kanyang anak.

Credit: Awra Briguela | Instagram

“Karaniwan ng kuwento ng mga magulang ay nakapagtapos ang kanilang anak sa kolehiyo. sa larawang ito, gusto kong batiin si Awra (ng Ang Probinsyano), dahil sa napagtapos niya ang kanyang ama sa kolehiyo. Congarts Awra!!! Ipagpatuloy mo ang kabutihan mo bilang isang anak. Isa kang inspirasyon”, ang naging saad ni Ogie sa kanyang post, kalakip nga ang larawan ni Awra at ng ama nito na nagtapos ng kolehiyo.

Sa ngayon si Awra ay abala sa pagiging isa niyang YouTube vlogger, kung saan siya nga ay mayroon ng mahigit 800K na mga subscribers.
Matatandaan naman na nakilala ng publiko si Awra bilang isang batang artista ng siya ay mapabilang sa action series ng Kapamilya network na “FPJ’s Ang Pobinsyano” kung saan ay ginampanan niya ang karakter bilang si MakMak.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *