Angel Locsin at Neil Arce, Opisyal ng Mag-asawa Matapos Ibahagi ang Kanilang Naging Intimate Wedding

Matapos ang dalawang taon ng pagiging engaged sa kanyang boyfriend na si Neil Arce, ngayon nga ay opisyal ng Mrs. Arce ang Kapamilya actress na si Angel Locsin.

Credits: Niceprint Photo

Nito nga lamang ika-7 ng Agosto, araw ng Sabado ay marami ang nagulat ngunit hindi napigilan ang kiligin at masiyahan ng lumabas ang balita na ikinasal na sa isang intimate wedding ceremony ang isa sa mga hinahangaan at iniidolong aktres na si Angel Locsin sa fiancée nito na si Neil Arce.

Ibinahagi ng official photographer ng nasabing kasal na Nice Print Photo ang mga kuhang larawan sa naging pag-iisang dibdib nina Angel at Neil.

“They’re officially married! Congratulations @therealangellocsin @neil_arce”, ang naging caption sa mga larawan na ibinahagi ng official page ng Nice Print Photo.

Credits: Niceprint Photo

Sa mga larawan ay makikita na isang napakasimpleng kasalan lamang ang naganap sa pagitan nina Angel at Neil. Ngunit sa kabila ng kasimplehan ng naging kasal nilang dalawa, maging ng kanilang kasuotan, ay kitang-kita naman sa bawat ngiti ng kanilang mga labi at awra ng mga mukha nila ang labis na kasiyahan dahil sa wakas ay opisyal na silang mag-asawa.

Hindi man magarbo ang naging pag-iisang dibdib nina Angel at Neil, ay mababakas naman sa newlywed couple na ang naging sumpaan nila sa isa’t isa ay tunay ay punong-puno ng pagmamahalan.

Credits: Niceprint Photo

Samantala, inihayag naman nina Angel at Neil ang balita na sila ay kasal na sa kanilang ‘latest video vlog’ na mapapanood sa YouTube channel nila.
Sa video vlog na ito ay makikita na abala ang dalawa sa pag-aayos ng kanilang mga kagamitan, sapagkat ayon nga sa kanila ay lilipat na sila sa kanilang bagong tahanan.

Habang nag-eempake, ay pinag-uusapan nina Angel at Neil ang naging relasyon nilang dalawa, at ganun rin ang kasalukuyang tahanan nila. Hanggang ng malapit na ngang matapos ang kanilang ginagawa, ay dito na nila sinabi na sila ay kasal na.

Credits: Niceprint Photo

“Since filming this vlog, we decided not to wait and just do it. We got married!!!”, ang naging masayang pagbabahagi ng newlywed couple.
Makikita naman sa Instagram account ni Angel, ang naging pagbabahagi niya rin ng ilang larawan na kuha sa naging kasal nila ng mister na niya ngayon na si Neil Arce. At ayon nga sa kanya, ay saka na niya ibabahagi ang iba pang mga larawan ng kanilang naging pag-iisang dibdib, dahil sa talaga naman hindi pa rin nawawala ang kilig na kanyang nadarama ngayon na siya nga ay ganap ng maybahay ng lalaking kanyang pinakamamahal.

“And just like that”, ang naging saad ng aktres sa larawan na kanyang ibinahagi.
Dagdag pa niya, “Bukas na yung iba. Namimilipit pa ako sa kilig (The rest will come tomorrow. I’m still squirming with ‘kilig’).”

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *