Aktres na Si Maritoni Fernandez, Ipinasilip ang Naipundar Niyang Napakagandang Beach Resort na Matatagpuan sa Morong, Bataan

Tunay nga naman na napakasarap sa pakiramdam kapag nakikita natin na ang bawat bagay na ating pinapangarap makamit sa ating buhay ay atin ng nakakamtan, lalo na nga kung ito ay mula sa bunga ng ating pagtitiyaga at pagsusumikap.

Credit: Maritoni Fernandez- Dayrit | Instagram

Ganito marahil ang nararamdaman ng aktres na si Antonita Maria Carmen Fernandez Moynihan o mas nakilala ng publiko bilang ang aktres na si Maritoni Fernandez, matapos nga niyang proud na ibahagi kamakailan lamang sa publiko ang isa sa bunga ng kanyang pagsusumikap at ito nga ay ang naipundar niyang beach house na matatagpuan sa Morong, Bataan.

Kasama ang kanyang mga anak na sina Liam at Lexi, ay ipinasilip ni Maritoni ang magandang tanawin ng kanyang beach resort, na talaga namang nakamamangha at nakakarelaks.

Credit: Maritoni Fernandez- Dayrit | Instagram

Ang mga larawan ngang ibinahagi ni Maritoni kung saan ipinasilip niya ang kanyang beach resort ay nilakipan niya ng caption na naglalaman ng kanyang pasasalamat sa Panginoon, lalo pa’t sa lahat ng mga biyaya na natatanggap niya mula rito ay kasama niya ang mga mahalagang tao sa kanyang buhay, kagaya na lamang ng kanyang mga anak.

Maliban pa sa tanawin ng kanyang beach resort, ay ipinakita rin ng aktres ang bagong bahay na ipinapagawa niya, kung saan ito nga ay hindi pa fully furnished at underconstraction pa.

Credit: Maritoni Fernandez- Dayrit | Instagram

Si Maritoni Fernandez ay hind inga lamang kilala bilang isang aktres sa mundo ng showbiz, sapagka’t nakilala at sumikat rin siya bilang isang commercial model dahil sa kanyang taglay na kagandahan at kaseksihan.

Matatandaan na sa ilang mga pelikula na ginawa ni Maritoni ay nakasama niya ang nag-iisang Fernandoe Poe Jr., at talaga namang ipinamalas niya ang husay niya sa pag-arte. May naging pagkakataon naman na napabilang si Maritoni sa isang award-winning films na Hongkong Films Days of Wild.

Credit: Maritoni Fernandez- Dayrit | Instagram

Samantala, hind inga lamang panay magaganda ang pangyayari sa buhay ni Maritoni, dahil mayroon din itong pinagdaanang pagsubok sa kanyang buhay at isa nga sa mga ito ay ng malubhang karamdaman.

Noon ngang ika-30 taong kaarawan ni Maritoni ay nakitaan na siya ng isang malubang karamdaman, kaya naman nagtungo siya sa Amerika at sumailalim sa lumpectomy.

Credit: Maritoni Fernandez- Dayrit | Instagram

Ang kanyang pananalig naman sa Panginoon ang naging lakas ni Maritoni upang mapaglabanan ang kanyang karamdaman. Sa ngayon nga ay isa si Maritoni sa mga nagsisilbing tagapagsalita at inspirasyon sa kanyang kapwa na dumaraan rin sa matinding karamdaman dito sa Pilipinas, at maging sa ibang bansa.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *