Aktor na Si Eric Fructuoso, Abala sa Pagiging Isang Negosyante Ngayong Panahon ng Pandemya

Ngayong panahon ng pandemya lahat nga naman ay naghahanap ng ekstrang mapagkakakitaan o dagdag mapagkukunan ng pinansyal na pangangailangan, at isa na nga rito ang aktor na si Eric Fructuoso, na pinasok na rin ang pagnenegosyo ngayong panahon ng pandemya sa ating bansa.

Credits: Eric Fructuoso | Instagram

Dekada nobenta ng makilala sa mundo ng pag-arte ang aktor na si Eric Frutuoso. Sa panahong ito ay binatilyo pa ang aktor, kaya naman siya ay napabilang sa male teen group noon na “Gwapings.” Sa grupong ‘Gwapings’ ay kasama ni Eric ang ilan sa mga teen actor na halos kaedaran nga lang niya, kagaya na lamang nina Jao Mapa, Jomari Yllana at Mark Anthony Fernandez.

Samantala, batid ng marami sa atin na ang pag-aartista ay hindi nga naman panghabang-buhay, kaya naman isang wais na paraan ang ginagawa ng ilan sa mga artista upang ang salapi na kanilang kinikita ay mapakinabangan nila ay pumapasok sila sa mga negosyo na makakatulong sa kanila pagdating ng araw.

Credits: Eric Fructuoso | Instagram

At si Eric Fructuoso nga ay isa sa mga artista na natutunan na ipasok sa negosyo ang kanyang naipong salapi sa pag-aartista. Maliban nga sa pagiging isang aktor sa mundo ng showbiz, ay isa na ring negosyante ngayon si Eric Fructuoso.
Matatandaan na sa kalagitanaan ng pandemya, noon ngang buwan ng Enero ay pinasok ni Eric Fructuoso ang ‘food business’ at ito nga ay isinunod niya ang pangalan sa grupong kinabilangan niya noon.

Ang food business ng aktor ay tinawag niyang ‘Gwapings’ na ang pangunahin ngang menu ay masarap at malinamnam na porkchop.
Maliban pa umano sa porkchop, ay nagse-serve din ng mga ‘silog meals’ ang Gwapings food business ng aktor.

Credits: Eric Fructuoso | Instagram

At para naman mas makadagdag pa umano sa kanyang kita, maliban nga sa pamamalakad ng kanyang negosyo ay rumaraket din si Eric bilang delivery rider.

Hindi nga lamang ang food business niya ang pinagkakaabalahan ni Eric ngayon, dahil bago pa man nga niya buksan ang negosyo niyang ito, ay naunan na munang nagbukas ang isa pa niyang negosyo, at ito nga ay ang kanyang ‘Gwapings Moto’, isang motorcycle shop na matatagpuan naman sa Naic, Cavite.

Credits: Eric Fructuoso | Instagram

Marami naman ang bumilib kay Eric, dahil maliban nga sa pagiging isang mahusay niyang aktor, ay kahanga-hanga rin ang pagiging isa niyang negosyante, idagdag pa ang pagiging responsible at mapagmahal niya sa kanyang pamilya, lalo na sa mga anak niya.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *