Actress Andrea Brillantes, Labis na Namangha sa Napakagandang Resulta ng Naging Renovation ng Kanyang Kwarto

Si Andrea Brillantes ay kilala ngayon bilang isa sa mga mahuhusay na Kapamilya actress sa mundo ng telebisyon, maliban pa dito ay kabilang din siya sa mga itinuturing na internet star ngayon dahil sa pagiging popular niya sa ilang mga social media platform.

Credits: Andrea Brillantes | Instagram

Hindi naman maikakaila ang tagumpay na tinatamasa ngayon ni Andrea, kaya naman halos lahat nga ng kanyang mga pinapangarap sa buhayay nakamit na niya, hindi lang para sa sarili kundi para na rin sa kanyang pamilya.

Isa nga sa mga pinaka-itinuturing ni Andrea, na ‘achievement’ niya sa kanyang buhay ay ang naging katuparan niya na magkaroon sila ng kanyang pamilya ng isang maayos at komportableng bahay. At kabilang nga sa nabigyan ng katuparan ni Andrea ng maipagawa niya ang pangarap niyang bahay, ay ang pangarap niya ring silid o ‘bedroom’, na nito nga lamang nakaraan ay ipinasilip ng kumpanya na gumawa ng ‘renovation’ nito.

Credits: Andrea Brillantes | Instagram

Mapapanood sa ‘The Reveal’ vlog episode ng Mundo Design and Build, ang kumpanya na gumawa ng ‘renovation’ ng silid ni Andrea ang naging pagpapasilip nila sa naging resulta ng ginawa nilang pag-aayos sa personal space nga na ito ng aktres sa kanilang bahay. Makikita rin sa nasabing vlog, ang naging ekspresyon ni Andrea ng masilayan sa unang pagkakataon ang kanyang silid matapos nga itong ma-renovate.

Kitang-kita naman sa mukha ni Andrea ang abot langit na kasiyahan dahil sa kilig na nararamdaman ng kanya nan gang masilayan ang bagong disenyo ng kanyang kwarto, lalo pa’t ang disenyo nito ay swak na swak sa kanyang style at personalidad.

Credits: Andrea Brillantes | Instagram

Isang napakamakulay na kuwarto na may retro-inspired ang kabuuang disenyo ng silid na sumalubong kay Andrea sa pagpasok niya sa kanyang silid-tulugan. At mas lalo pa ngang napatili sa sobrang kasiyahan ang aktres, ng makita na niya ang bawat bahagi ng kanyang silid, kagaya na nga lamang ng mini snack bar kung saan naroroon ang kanyang personal mini refrigerator, popcorn maker, cotton candy maker at coffee machine.

Isa rin umano sa pinakapaborito ni Andrea sa bagong disenyo ng kanyang silid ay ang kanyang computer area na kaysarap tambayan. Pinili naman ng aktres na hindi na palitan ang kanyang cozy loft bed.

Credits: Andrea Brillantes | Instagram

Kapansin-pansin naman na ang may mga disenyo sa silid ni Andrea na mga lumang vinyl records, lumang coca-cola tansan, movie posters at neon lights signage na ayon sa kanya ay mismong ini-request niya na ilagay sa kanyang silid bilang disenyo.

Tila nga naman nagin isang mini house ang silid ni Andrea, dahil halos lahat ng kinakailangan niya ay tila naroroon na. Hindi na nga kakailanganin pa lumabas ng aktres, dahil sa halos kumpleto na ang kanyang silid sapagkat mayroon itong sariling kusina, dining area, entertainment area at lounge area.

Labis rin na nagbigay kasiyahan sa ‘Huwag Kang Mangamba’ star ang makitang ang kanyang drum set ay inilagay rin ng maayos sa isang lugar sa kanyang silid.
Matapos nga ang naging ‘room tour’ na ito ni Andrea, ay kanya na ngang ibinahagi kung ano ang tunay niyang nadaramang kasiyahan sa naging resulta ng renovation ng kanyang silid.

“Gustong gusto ko talaga siya genuinely as in at home ako. Kasi parang akong-ako siya”, ang naging pag-amin ng aktres.

Dagdag pa niya, “Kasi sinasabi ko lagi na gusto kong madaming gamit, madaming bagay kasi mabilis akong magsawa. ‘Yung kwarto ko it’s not everybody talaga. Kasi lalo na ngayon ang dami ng minimalist. Pero hindi kasi ako talaga ‘yun.. Tinry ko pero hindi.”

Credits: Andrea Brillantes | Instagram

Pagbabahagi pa ng aktres, masasabi niya talaga na ang disenyo at pagkakaayos ng silid niya ngayon ay swak at sakto sa personalidad na mayroon siya.

“Ito talaga parang sakto para sa akin and natuwa ako kasi meron akong sala, meron akong dining, meron akong kitchen.”

Ang bahay ni Andrea Brillantes, ay maalalang natapos noon lamang buwan ng Enero ng kasalukuyang taon. Minsan na rin naibahagi ng aktres, na 10-taon ang naging paghahanda niya para maipatayo ang pinapangarap niyang dream house para sa kanyang pamilya.

Sa kasalukuyan ay napapanood natin si Andrea Brillantes sa “Huwag Kang Mangamba”, isa sa mga teleserye ngayon sa Kapamilya channel na inaabangan at sinusubaybayan ng maraming mga manonood. Maliban pa dito ay abala rin ang aktres sa paggawa ng kanyang mga social media content.

YouTube video player

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *