“This time, gusto ko ‘yung akin, akin” Julia Montes, May Naging Pagbubunyag sa Tunay na Estado ng Kanyang Buhay Pag-Ibig

Matagal ng ninanais ng publiko na malaman ang tunay na estado ng buhay pag-ibig ng aktres na si Julia Montes. Ngunit makalipas ang ilang taon mula ng hindi na maging aktibo pa sa mundo ng showbusiness ang aktres, ay wala pa ring malinaw na ideya ang kanyang mga tagahanga o maging ang mga netizens kung ano nga ba ang tunay na estado ng buhay pag-ibig ng aktres.

Credit: Facebook | Image

At makalipas nga ang halos ilang taon na pananahimik ng aktres patungkol sa kanyang buhay pag-ibig, ay nito nga lamang nakaraan ay nagsalita na si Julia sa kung ano nga ang matagal ng nais malaman ng publiko.
Nito nga lamang nakaraan ay nakapanayam ni G3 San Diego ang aktres na si Julia Montes, at sa panayam na ito ay masayang inamin ng aktres na makulay ang kanyang buhay pag-ibig at siya nga ay happily in-love.

Sa naging pag-amin ni Julia, ay hindi naman niya ibinunyag kung sino ang lalaking kanyang minamahal at karelasyon ngayon, ngunit base sa kanyang naging pahayag ay isa rin itong personalidad sa showbiz.

Ayon kay Julia, hindi naman masasabing sikreto ang relasyon na mayroon sila ngayon ng kanyang minamahal, kundi mas pinili lang umano nila pagdating sa relasyon at buhay pag-ibig ay mas maging pribado ito, lalo pa’t sa mundo ng showbiz ay talaga namang masasabing hindi maiiwasan ang intriga at pagiging magulo.

Credit: Facebook | Image

“Actually, hindi ko kasi siya sasabihing secret. We just chose this path kasi we both believe na, ‘Ang atin, atin. Pumasok tayo sa trabahong ‘to na magulo. ‘Wag na nating paguluhin pati ‘yung atin.”

Dagdag pa ng aktres, pareho nilang desisyon ng kanyang kasintahan na gawing pribado at hindi ilantad sa publiko kung ano man ang mayroon sila ngayon.

“There’s nobody…. It’s just a personal choice. Personal choice naming ‘yun. And for us kasi talaga, naniniwala kami ‘pag ano kasing nandiyan, sisirain. ‘Pag hindi kayo, ‘pag magka-loveteam kayo, gustong maging kayo. ‘Pag kayo, pagsisirain kayo. So, might as well, ‘O, anong alam niyo? Okay, kung anong alam niyo, okay po. ‘Yun na lang”, ang naging dagdag na pahayag pa ni Julia sa panayam sa kanya.

Credit: Facebook | Image

Hindi naman naiwasan na maitanong sa aktres, kung bakit sa dami ng mga lumabas na espekulasyon o usapin patungkol sa kanyang buhay pag-ibig ay nanatili siyang tahimik. At ang tanging naging kasagutan nga lamang ni Julia ay;

“Siguro kasi sa buong buhay ko, hindi ako selfish. This time, gusto ko, ‘yun akin, akin.”

Samantala, hindi naman pinangalanan ni Julia kung sino nga ba ang lalaking nagpapatibok sa kanyang puso ngayon at nagbibigay kulay sa kanyang buhay pag-ibig, ngunit para sa ibang mga tagahanga niya at mga netizens ay hindi na nga maitatanggi na ang tinutukoy ng aktres ay ang aktor na si Coco Martin, na noon pa man ay nali-link na sa kanya.

Credit: Facebook | Image

Nang tanungin naman si Julia kung halimbawang yayain siya ng kanyang partner ngayon na magpakasal, eh papayag ba siya na maikasal na? at buong galak naman itong sinagot ng aktres na;

“Yes, of course! I will not protect it naman if hindi.”

Credit: Facebook | Image

Matatandaan na matagal ng nali-link si Julia Montes sa aktor na si Coco Martin, ngunit sa kabila ng napakaraming mga espekulasyon patungkol sa dalawa, at kahit na may mga beses na nakita silang magkasama ay wala namang anumang naging pag-amin o pagde-deny na nagmula sa dalawa patungkol sa kung ano man ang tunay na estado ng kanilang relasyon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *