Sulyapan ang Kagandahan at Ganap ng Pagdadalaga Ngayon ng Child Star na Si Eliza Pineda

Si Maria Eliza Pineda Bautista o mas kilala bilang Eliza Pineda ay ipinanganak noong August 23, 1996 sa Quezon City, Philippines. Siya rin ay kilala bilang kapatid ng isa ring aktres na si Charee Pineda, siya ay nagmula sa pamilya ng mga kilalang personalidad.

Credit: Facebook | Image

Matatandaan na nagsimula bilang child actress, model, at singer sa ABS-CBN noong 2002 si Eliza. Siya’y unang sumikat sa kaniyang mga palabas na Mga Anghel na Walang Langit, Maria Flordeluna, Kung Fu Kids, at iba pa.
Mas nakilala pa siya sa kaniyang mga naging partisipasyon noon sa defunct kids gag show Goin’ Bulilit kasama ang mga kilalang artista na sina Jane Oineza, Julia Montes, Kathryn Bernardo, at iba pa.

Si Eliza din ay isa sa mga batang aktres na talaga namang hinangaan dahil sa kaniyang mga pagganap sa Maalaala Mo Kaya at sa iba pang mga palabas sa telebisyon.
Bagamat sumikat at naging matatag ang karera ni Eliza, paunti-unti siyang hindi na nakita ng mga tao sa telebisyon.

Credit: Eliza Pineda | Instagram

Taong 2017 ng siya ay lumipat sa GMA network, kung saan nang sumunod na taon ay agad naman siyang nagkaroon ng proyekto sa nasabing network at ito nga ay ang pinamagatang, Kambal Karibal. Sa seryeng ito ay nakasama niya ang iba pang mga Kapuso star na sina Bianca Umali, Miguel Tanfelix, at Pauline Mendoza.

Noon namang taong 2019 naman ay lumabas din siya sa palabas na, Daig Kayo ng Lola Ko. Gumanap din siya sa isang episode ng Magpakailanman at noong nakaraang taon lamang ay nagkaroon siya ng proyekto na Dear Uge.
Simula pa man noon ay hinahangaan na si Eliza hindi lamang sa kaniyang galing sa pag-arte kundi sa kaniyang natural na kagandahan.

Credit: Eliza Pineda | Instagram

Samantala, sa ngayon ay nasa edad 24 na si Eliza at napag-alamang kumuha ng Bachelor of Arts in Multimedia Studies sa University of the Philippines dahil na rin sa kaniyang interes sa industriya na kaniyang kinalakihan.

Bukod sa kaniyang mga proyekto at endorsements ay naging aktibo din si Eliza sa social media. Kaya naman, kamakailan lamang ay kinagiliwan siya ng mga netizens lalo na sa kaniyang “glow up” na makikita sa kaniyang mga post sa Instagram.

Credit: Eliza Pineda | Instagram

Mula sa kaniyang inosenteng mukha ay makikita na naging mas mature si Eliza. Bukod sa kaniyang mga litrato sa Instagram ay mayroon din siyang mga videos sa TikTok. Dahil dito, mas maraming netizens ang nakakita sa kagandahan ni Eliza. Hindi rin imposible na magkaroon muli siya ng mga bagong proyekto.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *