Social Media Stars Ranz Kyle at Niana Guerrero, Ipinasilip ang Ground Breaking Ceremony Para sa Pagpapatayo ng Kanilang Family Dream House

Unti-unti nang natutupad ang mga pangarap ng magkapatid na kilalang social media stars na sina Ranz Kyle at Niana Guerrero. At isa nga sa talagang pangarap ng magkapatid ay ang magkaroon ng sariling bahay ang kanilang pamilya.

Nito lamang ika-30 ng Hunyo sa vlog ng magkapatid na mapapanood sa kanilang YouTube Channel, ay masaya nilang ipinasilip ang ground breaking ceremony para sa kanilang dream house. Pagbabahagi nga ni Ranz, ay nakabili na sila ng lupa ilang taon na ang nakalipas para sa kanilang pamilya at doon nga itatayo ang kanilang dream house. Ngunit dahil sa pandemya, ay ngayon lamang sila nagpasyang gawin ang ground breaking.

“We, as a family, bought a lot. You know, this has been there for a while now. Like years ago. This is the only time na magsta-start ‘yung groundbreaking.”

Photo credits: Ranz Kyle | Youtube

Samantala, kung ang ground breaking nga sana ay nagawa na ilang taon ang nakalipas, dahil naman sa pandemya ay hindi pa nila nasisimulan ang construction ng kanilang dream house.

Photo credits: Ranz Kyle | Youtube

Ibinahagi naman ni Ranz ang mga plano na nais niyang maging disenyo ng bahay. Ayon nga kay Ranz, ay marami silang styles ng kanilang pamilya kaya naman may mga suggestions rin sila sa disenyo ng mga silid.

Hindi naman mapigilan ni Niana ang malungkot, dahil mamimiss umano niya ang kanilang dating bahay. Ang bahay kasi na ito, ay ang bahay na nagsilbi na nilang tahanan sa loob ng mahabang panahon. At dito na rin sila sama-samang bumuo ng masayang alaala, kung kaya’t hindi talaga maiwasan ni Niana ang malungkot at mamiss ang dating bahay.

“I’m gonna miss our old house, though. Kasi everything happened there. We’re gonna cry when we leave. I lived there my whole life.”

Photo credits: Ranz Kyle | Youtube

Ibinahagi naman ni Ranz na plano niyang magtayo ng kanyang sariling lugar. At nais nga binata na magtayo ng loft, kung saan ay magsisilbi niyang mini-house.

“I wanted a loft ‘cause I wanted like my own place. So there’s like a small kitchen, a small bar, a living room.”

Photo credits: Ranz Kyle | Youtube

Masayang-masaya naman ang ama nina Ranz at Niana, dahil sa pagtutulungan ng bawat isa sa kanilang pamilya, ay nagawa nilang tuparin ang pangarap na magkaroon ng sariling bahay para sa kanilang pamilya.

“Nakakatuwa kasi isipin mo pinaghirapan ng buong family. Lahat sila nag-contribute para ma-achieve ‘tong pangarap. Malapit ng itayo ‘yung aming dream house.”

Photo credits: Ranz Kyle | Youtube

Photo credits: Ranz Kyle | Youtube

Ang kanilang ina naman, ay labis labis ang pasasalamat dahil matapos nga ang maraming taon, ay magkakaroon na sila ng sariling bahay. Isang bahay kung saan muli silang bubuo ng masasayang alaala.

“Masaya ako kasi natuloy na din after two years. Ito na. Totoong-totoo na na mangyayari. Thankful ako kasi magkakaroon na kami ng sarili naming house.”

Tunay nga na kapag ang isang pamilya, gaano man kahirap ang pinagdadaanan, ay kayang-kayang maabot ang mga pangarap basta’t magkakasama at nagtutulungan.

OUR FUTURE HOME!! | Ranz and Niana

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *