Singer-Actress Zsa Zsa Padilla, Ipinasilip ang Napakaganda at Marangyang Tahanan Nila ng Kanyang Partner na si Architect Conrad Onglao

Kinaaliwan at kinagigiliwan ng marami ngayon ang manood ng mga Youtube vlog ng kani-kanilang mga iniidolong artista, kung saan ay karamihan nga sa mga artista na ito na may mga sariling YouTube channel ay naitampok nasa kanilang mga vlog ang pagpapasilip nila sa kanilang mga magaganda at eleganteng tahanan.

Credit: Zsa Zsa Padilla | Instagram

Marami ang sumusubabay sa mga pa-house tour ng mga artista, dahil maliban sa talagang nakamamangha ang ganda ng mga tahanan ng mga ito, ay nakakakuha pa ng ideya ang ilan sa kanilang mga tagasubaybay kung paano mas mapapaganda o mai-improve ang tahanan nila.

Credit: Real Living 

Samantala, sa bawat tahanan ngang ipinapakita ng ating mga iniidolong artista ay hindi maitatanggi na sa mga disenyo at kagamitan ng kanilang mga tahanan ay bakas ang karangyaan ng buhay na kanilang tinatamasa ngayon, at ito nga ay dahil sa naging pagsusumikap at pagpupursige nila sa kanilang trabaho sa loob ng industriya ng showbusiness.

Credit: Real Living 

Isa nga sa mga halimbawa ng kilala at popular na aktres sa showbiz na talaga namang mayroong napakaganda, elegante at marangyang tahanan ay ang singer-actress na si Zsa Zsa Padilla at ang kanyang partner na si Cobrad Onglao. Kung saan dahil sa labis na kagandahan at elegante na tinataglay ng kanilang tahanan, ay tila nga ito ay tahanan sa ibang bansa.

Credit: Real Living 

Kamakailan nga lamang ay ibinahagi ni Zsa Zsa Padilla sa publiko ang kanilang tahanan, kung saan ay kanya ngang ipinasilip ang iba’ ibang bahagi nito, na talaga namang nagpa-wow sa marami niyang mga tagahanga at tagasubaybay.

Credit: Real Living 

Mismong ang partner ni Zsa Zsa na si Conrad ang nagdisenyo ng kanilang tahanan na mayroon ngang tatlong palapag, at ito nga ay matatagpuan sa isang ekslusibong village sa Makato.
Talaga namang, disenyo pa lamang ng labas ng tahanan nina Zsa Zsa at Conrad ay nagpahanga na sa mga netizens, dahil maliban sa ito ay napakaganda sa kulay nitong puti, ay panay pa ito glass window. Nakakamangha rin na napapalibutan ito ng mga luntiang halaman, kaya naman maaliwalas ang kapaligiran na napakaganda ngang pagmasdan.

Ikinamangha pa ng mga netizens na hindi nilagyan ng gate ang tahanan na ito ng mag-partner, at ang nakakabilib pa rito ay ang mala-mall nitong istilo dahil sa pagkakaroon nito ng sariling elevator sa loob, na isa nga sa mga daan patungo sa iba’t ibang ‘floor’.

Credit: Real Living 

Sa kabila nito para naman kana Zsa Zsa at Conrad ay mas nais pa rin nila na gamitin ang hagdanan ng kanilang tahanan, dahil sa nae-ehersisyo sila kapag umaakyat-panaog sila na ito ang kanilang dinaraanan.
Talaga namang umani ng papuri mula sa mga netizens ang tahanan na ito ng mag-partner dahil sa bongga nga naman ang ganda, laki at disenyo nito.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *