Sila ang mga Celebrity Couple na sa Kabila ng Malaking “Age Gap” sa Isa’t Isa ay Makikita na Masaya ang Relasyon

Tunay nga naman na ang pag-ibig ay walang pinipili, dahil kung ito ay tumibok ay hindi mo nga naman mapipigil ang iyong sarili. Batid natin na noon pagdating sa buhay ay pag-ibig ay isa sa mga tinitignan ay ang edad ng magkarelasyon sa isa’t isa, ngunit sa panahon ngayon ay tila nga hindi na mahalaga pa kung malaki o hindi ang agwat ng dalawang taong nagmamahalan, dahil ang tanging mahalaga ay ang tamis ng kanilang pag-iibigan gaano man kalaki ang pagitan sa kanilang mga edad.

Maging sa mga iniidolo at sikat na artista nga sa showbiz ay napakarami na ring nagpatunay na sa pag-ibig ay “age doesn’t matter, coz age is just a number”, at ang importante ay ang pagmamahal at pagiging matibay ng inyong relasyon sa kabila ng malaking deperensya ng edad niyo sa isa’t isa ng taong iyong minamahal.

Narito nga ang ilan sa ating mga hinahangaang “celebrity couples” na mayroong malaking age gap sa isa’t isa ngunit nanatiling masaya ang relasyon.

1. Liza Soberano at Enrique Gil (LizQuen)

Credit: Facebook | Image

Anim na taon ang pagitan ng edad ng magkasintahang Liza Soberano at Enrique Gil. Ang aktres na si Liza ay nasa edad 23 na ngayon, samantala nasa 29 na ang edad ng aktor na si Enrique Gil. Ang kanilang masaya at magandang relasyon ay nagsimula ng maging magkatambal sila sa mga proyektong kanila ng nagawa.

2. Michelle Vito at Enzo Pineda

Credit: Facebook | Image

Ang aktres na si Michelle Vito ay 23-taong gulang na ngayon, samantala ang kanyang kasintahang aktor na si Enzo Pineda ay nasa 30-anyos na, kaya naman nasa 7-taon rin ang agwat ng edad ng magkasintahan sa isa’t isa.

3. Julia Barretto at Gerald Anderson

Credit: Facebook | Image

Kamakailan lamang ng isapubliko ng celebrity couple na sina Julia Barretto at Gerald Anderson ang kanilang relasyon. Dalawampu’t apat na taon na ngayon ang aktres na si Julia Barretto, samantala tatlumpu’t dalawang taon naman ang edad na ngayon ni Gerald Anderson, kaya naman nasa halos 8-taon din ang pagitan ng kanilang edad.

4. Jane Oineza at RK Bagatsing

Credit: Facebook | Image

Siyam na taon naman ang agwat ng edad sa isa’t isa ng magkasintahang Jane at RK. Hindi pa man nila inaamin sa publiko kung ano ang tunay na estado ng kanilang relasyon, ay makikita naman ito sa “sweetness” nila sa isa’t isa, lalo na nga sa mga larawan at video nila na magkasama. Si RK ay nasa 33-taong gulang na ngayon at si Jane naman ay nasa 24-taong gulang.

5. Sarah Lahbati at Richard Gutierrez

Credit: Facebook | Image

Nasa sampung taon naman ang agwat sa edad ni Richard Gutierrez sa kanyang napakagandang asawang si Sarah Lahbati. Si Sarah ngayon ay nasa edad 27 samantalasi Richard naman ay 37 na ang edad.

6. Catriona Gray at Sam Milby

Credit: Facebook | Image

Si Miss Universe 2018 Catriona Gray ay 27-taong gulang na ngayon, at ang kanya ngang karelasyon ngayon na aktor ay ang gwapong si Sam Milby na nasa 37-taong gulang na. Halos 10-taon ang pagitan ng edad nila sa isa’t isa, ngunit sa kabila nito ay makikita naman na maayos ang takbo ng relasyon ng dalawa.

7. Coleen Garcia at Billy Crawford (BiCol)

Credit: Facebook | Image

Hindi naging hadlang ang 11-taong age gap nina Coleen at Billy sa isa’t isa, upang ang kanilang relasyon ay mauwi sa pag-iisang dibdib. Ngayon nga ay patuloy na matatag at masaya ang relasyon ng dalawa, lalo pa’t sila ng mag-asawa ay nabiyayaan na ng anak. Si Coleen ay 28 na ang edad at 39 naman ang edad ni Billy.

8. Ellen Adarna at Derek Ramsay

Credit: Facebook | Image

Parang kailan lang ng isapubliko nina Ellen Adarna at Derek Ramsay ang pagkakaroon nila ng relasyon, at makalipas nga lamang ng ilang buwan, ngayon nga ay engaged na ang dalawa. Nasa 11-taon ang agwat sa edad nina Ellen at Derek, dahil ang aktres ay 33-taon na samantala nasa 44-taon naman ang aktor na si Derek Ramsay.

9. Vice Ganda at Ion Perez (ViceIon)

Credit: Facebook | Image

Hindi naman lingid sa kaalaman ng publiko na ang Unkabogable star na si Vice Ganda ay may relasyon sa kanyang It’s Showtime co-host na si Ion Perez. Ang age gap ng dalawa ay nasa 15-taon, dahil si Vice ay 45-taong gulang na samantala nasa 30-taong gulang pa lamang si Ion. Sa ngayon nga ay patuloy na matatag ang relasyon ng dalawa.

10. Vicky Belo at Hayden Kho

Credit: Facebook | Image

Sa kabila ng 24-taong age gap ng mag-asawang Vickey Belo at Hayden Kho, ay hindi naman ito naging hadlang para hindi maging masaya ang kanilang pagsasamang mag-asawa. Nasa edad 65 na ang celebrity doctor samantala nasa edad 41 naman ang kanyang asawa na si Hayden Kho, na isa ring doktor.

11. Maris Racal at Rico Blanco

Credit: Facebook | Image

Ang dating PBB Housemate na si Maris Racal ay in-a relationship ngayon sa OPM singer na si Rico Blanco. Nasa 25-taon ang pagitan ng edad nila sa isa’t isa, dahil si Maris ay 23-taong gulang lamang samantala nasa 48-taong gulang naman si Rico Blanco.

12. Pauleen Luna at Vic Sotto

Credit: Facebook | Image

Pinatunayan ng mag-asawang Pauleen Lun at Vic Sotto na kahit napakalaki ng age gap nila sa isa’t-isa ay hindi naman ito magiging hadlang upang hind imaging masaya, matatag at puno ng pagmamahalan ang kanilang relasyon. Ngayon nga ay ‘happily married’ ang dalawa at may isa ng anak. si Vic ay nasa 67-taon na, habang ang kanyang misis na si Pauleen ay nasa 32-taong gulang pa lamang.

Ilan nga lamang sila sa nagpatunay na hindi hadlang ang agwat sa edad pagdating sa relasyon, dahil kapag ang dalawang puso ay nagmamahalan tiyak na walang anumang pwedeng mamagitan, agwa o anumang estado pa yan sa buhay.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *