Sanya Lopez, Inamin na Kinilig sa Kissing Scene Nila ng Batikang Aktor na si Gabby Concepcion na Kanyang Leading Man sa First Yaya

Ang napakaganda at napakaseksing aktres na si Sanya Lopez, ay talaga namang hinahangaan ng marami. Hindi naman na nakapagtataka na sa dami ng kanyang tagahanga at tagasuporta ay isa nga siya sa pinakasikat na artista sa industriya ng showbiz ngayon na taglay rin ang kahanga-hangang talento sa pag-arte.

Sa kabila nga ng kanyang magandang katangian, ay hindi naman maitago ni Sanya ang kanyang paghanga sa isa sa kanyang mga naging leading man. Ito nga ang batikang aktor at leading man niya sa teleseryeng First Yaya na si Gabby Concepcion.

At kamakailan lamang nga, ay ibinahagi ng magandang aktres kung ano ang pakiramdam ng mahalikan ang isang gwapong aktor na hinahangaan ng lahat. Pag-amin pa nga ni Sanya ay matagal na niyang crush ang batikang aktor na si Gabby Concepcion, bukod kasi sa napakagwapo ay mahusay na aktor rin ito.

Kaya naman ng malaman ni Sanya na si Gabby ang makakatambalan niya sa pinagbibidahang teleseryeng First Yaya ay talaga namang kinilig ng todo ang aktres.

Nang minsang makapanayam si Sanya sa programang Mars Pa More sa GMA News TV, ay ibinunyag ng aktres na kung siya ang papipiliin kung sino ang nais niyang pagsilbihan ay pipiliin niya ang batikang aktor na si Gabby Concepcion. Kwento nga ni Sanya, nang bumisita siya kasama ang casts ng First Yaya sa rest house nito sa Batangas, ay talagang todo ang ginawang pag-aasikaso sa kanila ng aktor kung saan ay hindi sila pinabayaan.

“Siguro kasi nakita ko kung paano niya kami alagaan noong nagpunta kami sa Batangas. Grabe siya, hindi ka niya pababayaan talaga. Everyday yata kailangan niyang mamalengke, as in palengke talaga, pupuntahan niya tapos ipamimili ka niya tapos ipagluluto karin niya,” kwento ng aktres.

Ang napakagandang rest house na ito ni Gabby sa Lobo, Batangas ay matagal na niyang pangarap na kanyang natupad dahil sa sipag at tiyaga niya sa pagtatrabaho. Ito na rin ang nagsisilbing escape place ng batikang aktor mula sa magulong mundo ng showbiz at nakakapagod na trabaho para makapagrelaks at makapagpahinga.

Samantala, bagama’t natapos na ang kanilang teleseryeng First Yaya, ay madalas parin daw ang kanilang pag-uusap at naging magkaibigan pa ang dalawa.

Kinikilig namang inamin ni Sanya na kakaibang kilig ang kanyang naramdaman nang mahalikan siya ng kanyang crush. Kwento ng aktres, ay sinubaybayan rin ng kanyang ina ang teleserye kung kaya’t marami itong naging katanungan sa kanya. Kabilang na nga rito, kung sila na ba ni Gabby. Ngunit, ang hindi makalimutan ni Sanya, ay ang kanilang kissing scene kung saan nga ay talagang nagdulot sa kanya ng kakaibang kilig.

“Ang una niyang tanong sa akin, kayo naba? sabi ko Ma? wait lang Ma! Kasi ako dati sobrang crush na crush ko na talaga si Gabby Concepcion. Sabi niya sa akin, so ano yang feeling na na-kiss ka ni Gabby? Sabi ko ‘Mommy, nakaka-kilig until now, sabi kong ganun sa kanya.”

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *