Saksihan ang Mala-Engrandeng Pag-Iisang Dibdib ng Aktres na si Ara Mina at Businessman na si Dave Almarinez

Labis na kasiyahan at umaapaw na kilig ang marahil ay patuloy na nadarama ngayon ng aktres na si Ara Mina, ito ay dahil sa wakas ay natupad na ang matagal na niyang kahilingan sa buhay at ito nga ay ang maikasal sa lalaking alam niyang inilaan ng Diyos upang maging katuwang niya at pakamamahalin siya habangbuhay.

Credit: Niceprint Photo

Nito nga lamang ika-1 ng Hulyo ay bumulaga sa publiko ang balita na ang aktres na si Ara Mina ay ikinasal na sa kanyang businessman fiancée na si Dave Alamarinez, kung saan ang dalawa nga ngayon ay ganap ng mag-asawa.
Sa official Instagram ng Nice Print Photo, ang photographer company na kumuha ng mga larawan sa naging pag-iisang dibdib nina Ara at Dave, ay makikita kung gaano kaganda ang bride na si Ara Mina sa araw ng kanyang kasal, habang kanyang suot ang napaka-bonggang wedding gown na talaga namang mas lalong pinalitaw ang kanyang kagandahan at kaseksihan.

Credit: Niceprint Photo

Ayon sa ulat ang napaka-ganda,napaka-bongga at eleganteng wedding gown ng bride na si Ara Mina ay mula sa Leo Almodal bridal ball gown. At ito umano ay isang wedding gift mula sa kanyang mga nakababatang kapatid na sina Heidi Gatmaytan at aktres na si Christine Reyes.

Makikita sa disenyo at pagka-yari ng wedding gown na talaga namang ito ay mamahalin at ang halaga nga nito ay marahil ay aabot ng ilang daan libong piso.
Kita naman sa awra ng napakagandang bride, ang kanyang sobrang kaligayahan para sa pinaka-espesyal na araw na ito sa kanyang buhay.

Credit: Niceprint Photo

Hindi rin naman maikakaila na ang kanyang mister na ngayon na si Dave Almarinez ay sobra-sobra din ang galak ngayon nga na silang dalawa ng aktres ay kasal na.
Sa inilabas na balita, mapapanood sa video na bago magsumpaan ang dalawa sa harap ng altar, ay nilapitan muna ni Dave Almarinez ang mga magulang ng aktres na si Ara Mina upang muling hilingin ang basbas ng mga ito. Maging ang anak ng aktres, ay nilapitan rin ni Dave upang hingiin ang basbas nito.

Makikita naman sa ilang mga larawan na kuha sa naging kasal ng dalawa, na ito ay talagang pinaghandaan, dahil sa napaka-bonggang mga dekorasyon kaya naman tila masasabi nga na isa ang kasal na ito sa naging mala-engrandeng kasal ngayong panahon ng pandemya.

Credit: Niceprint Photo

Tanging ang mga kapamilya at malalapit na kaibigan lamang naman ng newly wed couple ang dumalo sa nasabing okasyon.
Ang mala-engrandeng pag-iisang dibdib nina Ara Mina at Dave Almarinez ay naganap nga noong ika-30 ng Hunyo, araw ng Miyerkules sa Alphaland Baguio Mountain Lodges Chapel sa Baguio.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *