Richard Gutierrez, Tinupad ang Pangarap ng Kanyang Asawang si Sarah Lahbati na Marating Ang Tourist Destination ng Sikat na K-Drama na “Crash Landing On You”

Marami sa ating mga Pinoy ang talaga namang nahihilig sa panonood ng Korean drama o K-drama. Tunaya naman kasi nakakadala ng emosyon ang hatid nilang drama, lalo na nga’t bukod sa napakahusay umarte ng mga karakter ay taglay rin nila ang maganda at gwapong mukha.

Kakaibang kilig rin ang hatid ng bawat eksena ng ginagampanan nilang karakter kaya naman hindi tayo nagsasawa sa panonood ng mga K-drama.

Kabilang nga sa mga big fan ng K-drama at mga kilalang Korean artists ay ang sikat na aktres na si Sarah Lahbati. At kamakailan lamang nga, ay agaw atensyon ang isang larawan na kanyang ibinahagi sa kanyang social media kung saan makikitang sweet na sweet sila ng kanyang asawang si Richard Gutierrez.

Bilang isang tagahanga ng K-drama, isa sa talagang sinubaybay ni Sarah ay ang sikat na Korean drama na “Crash Landing On You” na talaga namang naghatid ng kilig sa marami. At ang pangarap ng aktres na marating ang isa sa mga lokasyong kinunan ng eksena sa CLOY, ay tinupad ni Richard para sa kanya.

Makikita sa larawan ibinahagi ni Sarah social media ang kuha ng larawan kasama ang asawang si Richard kung saan matatanaw ang napakagandang tanawin sa background na hatid ng Lake Brienz na kuha mula sa town Interlaken.

Nilakipan naman ng aktres ng caption ang kanyang post ng isang qoute na nagsasabing:

“sometimes the wrong train takes you to the right direction…”

Ayon naman kay Sarah ay medyo challenging ang paghahanap nila ng perfect shot para sa nasabing larawan, mabuti na lamang at nakakita sila sa town ng Interlaken.

“Literally got lost many times today trying to look for this breathtaking view here in @interlaken.”

Pinasalamatan naman niya ang kanyang asawang si Richard, dahil naisakatuparan na niya ang marating ang sikat na tourist destination na mas lalo pang nakilala matapos maganap dito ang isa sa mga eksena ng K-drama na “Crash Landing On You”.

“Chard had no choice but to tag along in making my CLOY dream come true! We finally found this place.”

Samantala, matatandaan na binisita ni Sarah ang kanyang ama na nakatira sa Switzerland kasama ang kanyang dalawang anak na sina Zion at Kai. Naunang lumipad sina Sarah patungong Switzerland, at sumunod na lamang si Richard matapos ang isang linggo.

Makikita nga na talagang sinusulit ng pamilya ni Sarah ang kanilang bakasyon sa Switzerland kung saan ay binisita nila ang magagandang lugar tulad ng Pontresina, Sankt Moritz, Saas-Fee, at Lausanne.

Makikita nga sa social media ng celebrity couple ang masaya nilang pamamasyal. Kasama rin nina Sarah sa kanilang masayang Switzerland adventure ang kanyang mga magulang.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *