Melai Contiveros Ibinulgar Kung Anong Klaseng Kaibigan ang Aktres na si Erich Gonzales

Ang aktres na si Erich Gonzales ay isa sa mga hinahangaan at pinapantasyang aktres sa mundo ng showbiz, ito nga ay dahil maliban sa kanyang husay bilang artista ay nagtataglay din siya ng napakagandang mukha.

Credit: Erich Gonzales | Instagram

Samantala, hindi nga lamang ang magandang mukha ng aktres ang dapat na hangaan sa kanya, dahil maliban sa magandang mukha ay may mabuting kalooban rin umano ang aktres, at ito nga ang kamakailan lamang ay ibinahagi ng TV host-comedienne na si Melai Cantiveros, isa sa mga kaibigan ni Erich sa industriya ng showbiz.

Nito nga lamang nakaraan ay ibinuking ni Melai sa publiko ang tunay na ugali ni Erich Gonzales, lalo na nga bilang isang kaibigan.

Credit: Google | Image

Ibinahagi ni Melai na noong nakasama niya si Erich Gonzales sa pelikulang “I Do” ay teleserye ng ABS-CBN na “Two Wives” ay doon niya nakita ang kabutihan ng aktres na talaga namang hindi niya makakalimutan.
Dagdag pa niya, si Erich ang tipo na ipinaglalaban at pinapahalagaan ang kanyang mga kaibigan.

“Sobra ka talagang magiging kontento ka sa kanya pa lang. Si Erich kasi pag mamili ng kaibigan talagang hindi ka niya titigilan. Talagang susundan at susundan ka niya” , saad pa ni Melai.

Ayon naman sa aktres na si Erich Gonzales, pagdating sa pakikipagkaibigan ay mas binibigyan niya ng halaga ang ‘quality’ kumpara sa ‘qunatity’. Dagdag pa niya, siya yung tao na kapag naibigay na ang tiwala ay gagawin niya ang lahat para maalagaan ang ‘frienship’ na nasimulan sa isang kaibigan.

Credit: Google | Image

“Alam naman natin na mahirap talagang magtiwala hindi ba? Pero for me once na naibigay ko ‘yung tiwala, gagawin ko lahat to keep that friendship, aalagaan ko iyon”, ani Erich.

Paliwanag pa niya, “Kasi rarer rin naman ‘ying mga taong nakagaanan mo ng loob na alam mong you can trust.”

Samantala, ikinuwento naman ni Melai kung gaano mapagbigay si Erich, dahil maging siya ay na-experience na ang pagiging generous ng kaibigang aktres.

Sina Erich at Melai, ay parehong maituturing na seasoned actress dahil silang dalawa ay parehong produkto ng reality show ng ABS-CBN.

Credit: Erich Gonzales | Instagram

Tunay nga naman sa industriyang ginagawalan nina Erich at Melai ay madalang ang makahanap ng tunay ay mapagkakatiwalaang kaibigan, kaya naman nakakatuwa na sa kabila ng kasikatan na tinatamasa nila pareho ay isa sila sa mga personalidad sa showbiz na nagbibigay halaga sa pagkakaibigan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *