Matapos I-Prank, Ivana Alawi May Pabonggang Regalo sa Kapatid Niyang si Hash Alawi

Isa si Ivana Alawi sa mga kilalang Youtube vloggers ngayon sa Pilipinas dahil sa kaniyang mahigit na 13 million subscribers. Dahil din sa kaniyang mga nakakaaliw na vlogs, ang kaniyang mga videos ay may average na 5 million views.

Credit: Ivana Alawi | Instagram

Dahil dito, hindi na rin nakakagulat isipin na malaki-laki na rin ang naipon ni Ivana. Kaya naman, nagkaroon na siya ng ilang videos kung saan siya ay nagbibigay ng regalo sa kaniyang empleyado at nagbibigay ng tulong sa mga nangangailangan. Ilan sa mga trending na videos na ito ay ang kaniyang pagpanggap bilang pulubi at ang kaniyang pagtulong sa isang pulubi.

Mayroon din siyang vlog kung saan siya ay naghanda ng relief goods para sa mga labis na nangangailangan.

Credit: Ivana Alawi | Youtube

Kaugnay nito, isa sa pinakahuling vlog ni Ivana ay kaniyang pagreregalo sa kaniyang kapatid na si Hash ng isang magarang motor. Ngunit, gaya ng ilan niyang naunang mga vlog ay nagplano muna si Ivana na i-prank ang kaniyang kapatid bago nito ibigay ang magarang regalo.

Kasama sa vlog at prank ang pinakabata nilang kapatid na si Mona at ang kanilang ina na si Fatima. Ayon sa kanilang plano, 24 oras nilang hindi papansinin si Hash habang sila ay nagbabakasyon sa Tagaytay.

Katulad ng kahit sinong tao, nainis si Hash sa ganitong pagtrato sa kaniya ng pamilya. Muntik na ring mag-walk out ang kapatid ni Ivana habang sila ay naghahapunan. Ngunit nang sila ay makauwi galing sa bakasyon, ang lahat ng inis ni Hash ay napalitan ng gulat at tuwa. Ito nga ay matapos niyang makita niya ang magarang sasakyan na sorpresa sa kaniya ni Ivana.

Credit: Ivana Alawi | Youtube

Ayon kay Ivana, ang motor ay inihatid sa kanilang bahay habang sila ay nasa Tagaytay. Dagdag pa niya, talagang deserve ni Hash ang regalong ito sapagkat matagal na niya itong gusto. Hindi rin daw materialistic na tao ang kaniyang kapatid. Praktikal din daw ito pagdating sa pagbili ng mga bagay. Iniisip muna nito ang mga pangmatagalang epekto ng mga bagay na kaniyang bibilhin.

Kasalukuyang mayroong 3.4 million views ang vlog na ito ni Ivana at mayroong 11,000 na komento, karamihan sa mga ito ay pinupuri si Ivana at ang magandang relasyon ng kanilang pamilya.

YouTube video player

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *