Mariel Padilla, Pansamantalang Iniwan ng mga Yaya Hindi Napigilan na Mawindang sa Dami ng Gawaing-Bahay

Si Mariel Rodriguez ay isang American Citizen na kilala sa Pilipinas bilang isang Filipina model, endorse, television host, vj at aktres. Ang kanyang napangasawa ay ang batikang action star sa mundo ng showbiz na si Robin Padilla, kung saan ay noong ika-19 ng Agosto taong 2010 naganap ang kanilang naging pag-iisang dibdib sa Taj Mahal sa bansang India.

Credit: Mariel Padilla | Instagram

Matatandaa na nag-umpisa ang ‘love story’ ng mag-asawang Mariel at Robin ng magkakilala sila sa programa noon ni Willie Revillame na “Wowowee”, kung saan ng panahon na ‘yon ay co-host si Mariel ng nasabing programa at si Robin naman ay naging guest host.

Marami naman ang hindi inakala na ang naging pagkakakilala at pagsasama na ito ng dalawa sa nasabing programa ang magiging daan upang magkamabutihan ang dalawa, hanggang sa ang mga ito nga ay magkaroon na ng relasyon.

Credit: Mariel Padilla | Youtube

Sa ngayon nga ay hindi na aktibo si Mariel sa kanyang showbiz career, at pinagkakaabalahan muna ngayon ang negosyong kanyang pinasok para makatulong sa kanyang mister na si Robin sa pangangaialangan ng kanilang pamilya.

Samantala, maliban pa sa kanyang negosyo ay abala rin si Mariel sa kanyang YouTube vlog, kung saan kamakailan nga lamang ay kanyang ibinahagi kung paano siya nawindang at nahirapan sa dami ng gawaing bahay, nang pansamantala ngang lumabas ng tahanan ang kanilang mga kasambahay para magpa-swab test.

Ayon pa kay Mariel, hindi naman siya maaring tulungan ng kanyang mister na si Robin Padilla, dahil ito ay nasa kabilang bahay nila, kung saan ito ay naka-quarantine. Kung kaya naman, wala talaga siyang ibang choice kundi solohin na gawin ang lahat ng mga gawain sa loob ng kanilang bahay.

Makikita sa unang bahagi ng video ni Mariel, na ang una muna niyang ginawa ay ang gisingin ang kanyang dalawang anak. Matapos nito ay inasikaso niya ang pagpapakain sa mga ito.
Sandali naman niyang iniwan ang kanyang mga anak, para maasikaso niya ang mga ‘orders’ ng kanyang mga customer.

Credit: Mariel Padilla | Youtube

Pagbabahagi pa ni Mariel, saludo siya sa mga kasambahay, dahil aminado siya na talaga namang hindi madali ang trabaho ng mga ito.

Dahil sa nasanay nga siya na laging nandyan ang kanilang mga kasamabahay na nag-aasikaso ng lahat ng kanilang pangangailangan, ay mababakas nga na talagang nahirapan siya ng sandaling mawala ang mga ito. At kinailangan nga niyang gawin ang iba sa mga trabaho ng mga ito.

Ikinatuwa naman ni Mariel ng makauwi na ang kanilang mga kasambahay matapos na magpa-swab ng mga ito, dahil sa wakas ay makapagpapahinga na rin siya at wala ng iisipin pa na gawain sa loob ng kanilang tahanan.

YouTube video player

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *