Kamakailan lamang ng muling namataan ang humored couple na sina Coco Martin at Julia Montes sa Greenhills. Ilang araw nga lamang matapos nito ay muli namang nagging laman ng usapan ang dalawa ng may mga kumalat ngang larawan sa social media kung saan ay tila dumalo sila sa isang production meeting, dahil kasama nila ang isa sa mga sikat na aktor ngayon na si JM De Guzman, at ang direktor na si Erik Matti.
Credit: Facebook | Image
Ang nasabi ngang mga larawan na ito kung saan magkasama ang humored couple ay ini-upload mismo ng aktor na si JM de Guzman sa kanyang Instagram account nito lamang gabi ng Miyerkules, ika-7 ng Hulyo. At dito nga ay makikita na kasama niya sina Coco, Julia, Direk Erick at iba pa.
Nang lumabas nga ang mga larawan na ito, ay tuwa ang ang nadarama ng mga tagahanga ng dalawa [Coco at Julia], dahil sa tila nga ngayon ay unti-unti na ngang nagiging bukas sa publiko sina Julia at Coco sa kung ano man ang namamagitan sa kanila.
Makikita nga sa larawan ang ngiti sa mga labi nila, kung saan ay naging agaw-pansin pa sa madla ang pagkaka-akbay ng aktor na si Coco Martin kay Julia Montes, na mas lalo pa ngang nagbigay kilig sa kanilang mga fans.
Credit: Facebook | Image
Samantala, maliban sa larawan na kanyang ini-upload ay wala namang anumang detalye na ibinigay si JM de Guzman patungkol dito, kung kaya naman nagkaroon ng haka-haka ang mga netizens na marahil ay muling magsasama sa isang malaking proyekto ang humored couple, at sa pagkakataon ngang ito ay makakasama nila si JM de Guzman.
Hindi pa man malinaw sa lahat kung muli ngang magsasama sa isang proyekto sina Julia at Coco, ay nagbigay naman agad ang usapin na ito ng buhay sa kanilang mmga tagahanga, dahil batid natin na matagal-tagal na nga rin naman ng huling magkasama sa isang proyekto ang dalawa.
Credit: Facebook | Image
Bago pa man nga ang naganap na production meeting ay nauna ng muling mapag-usapan sina Coco at Julia, ng muli silang mamataan ng publiko na magkasama sa isang outdoor lifestyle store sa Greenhills, kung saan ay nakunan nga sila ng larawan. Hindi nahitsuran ang aktres dahil sa suot nitong faceshield at facemask, habang si Coco naman ay nakasuot lamang ng facemask.
Ilang beses nan gang namamataan ng publiko na laging magkasama sina Coco at Julia, kagaya na lamang ng nakaraang Marso, ng mamataan sila sa isang airport na patungo ng Boracay. Sa kabila nga ng mga nakikita na ito sa kanila ng publiko, ay walang pag-amin na nagmumula sa dalawa sa kung ano man ang estado ng relasyon nila, ngunit magkaganoon man ay wala rin namang ginagawang pagtanggi ang mga ito.
Credit: Facebook | Image
Samantala, kamakailan nga lamang din sa isang Mega Magazine nito lamang buwan ng Hulyo taon ng kasalukuyan ay ipinahiwatig ni Julia na siya nga ngayon ay mayroong karelasyon at ito nga umano ay isa ring personalidad sa showbiz.
Hindi naman pinangalanan ng aktres kung sino ang kanyang tinutukoy na karelasyon, ngunit ayon sa kanya, desisyon nilang dalawa ng kanyang kasintahan ang maging low-key, ito ay dahil ayaw nilang mabahiran ng intriga ang kanilang relasyon.
Credit: Facebook | Image
Ayon naman sa ibang lumabas na mga ulat, wala namang anumang proyekto na inihain para kina Julia at Coco, at ang mga kumakalat na larawan ngayon kung saan ay may kasamang kapwa artista at isang direktor ang dalawa, ay kuha lamang ng mapadaan si Coco kasama si Julia sa isang tambayan habang nagkakasiyahan ang mga kasama nila sa naturang larawan.