Kris Aquino, muling Hinangaan ng mga Netizens dahil sa mga lumang litrato nito na Nagpapakita ng kanyag Walang Kupas na Kagandahan

Si Kris Aquino, bilang anak ng dating presidenteng Corazon “Cory” Aquino at dating senador na si Benigno “Ninoy” Aquino, ay isa sa mga pinakakilalang personalidad sa bansa.

Credit: Kris Aquino | Instagram

Siya ay mas nakilala nang pumasok siya sa showbusiness noong 1990 bilang isa sa mga cast ng pelikulang Pido Dida: Sabay Tayo. Siya ay 19 na taong gulang palang noon. Simula noon ay nagtuloy-tuloy ang kaniyang pagsikat at ngayon ay kilala na siya bilang Queen of all Media dahil sa kaniyang galing lalong-lalo na sa pag-arte at paghost. Kilala rin siya bilang isa sa mga presidential sisters noong termino ni dating presidenteng Benigno “Noynoy” Aquino.

Credit: GMA Network

Bagamat nasangkot si Kris sa ilang mga kontrobersiya tungkol sa kaniyang mga naging partner, patuloy pa rin siyang hinahangaan ng kaniyang mga fans. Siya ay hinahangaan hindi lamang sa kaniyang natural na talento kundi pati na rin sa kaniyang glamorosong kagandahan. Hindi na rin nakapagtataka kung makikitang napakaganda ni Kris simula noong siya ay bata pa.

Credit: GMA Network

Kamakailan nga ay naging laman na naman si Kris ng balita dahil sa kaniyang mga litrato noong kaniyang kabataan. Naunang i-post ang kaniyang mga litrato sa TikTok. Ang mga ito naman ay nagsimulang kumalat sa iba’t ibang social media sites nang ibahagi ito ng ilang netizens na humanga sa kaniyang kagandahan.

Ayon pa sa ilang netizens ay pwedeng ikumpara ang ganda ng batang Kris sa ilang mga personalidad at idols sa Korea. Sabi rin ng ilan, kamukha niya ang ilan sa mga pinakamagagandang artista sa Korea gaya nina Bae Suzy, Kim Hyeon-soo, at Jisoo mula sa bandang, Blackpink.

Credit: GMA Network

Ang isa sa mga litratong kumalat sa social media ay ang high school yearbook ni Kris kung saan inilarawan siya ng kaniyang mga kaibigan bilang isa sa mga pinakamaganda sa eskwelahan. Ayon pa nga sa isa, pwedeng-pwede siyang maging susunod na “Eskinol Campus Girl”.

Ngunit bukod sa kaniyang ganda ay pinuri din siya sa kaniyang kabaitan at katalinuhan. Ang ilan din sa mga litrato ay ang mga baby pictures ni Kris kasama ang kaniyang mga magulang at pamilya.

Credit: GMA Network

Ang mga litrato na ito ay patunay na sa murang edad palang ay talagang nababagay si Kris sa mundo ng showbusiness.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *