Kilalanin si “Rere” ang Nakababatang Kapatid ng Gwapong Aktor na si Ruru Madrid na Gumagawa na Rin ng Sariling Pangalan Ngayon sa Mundo ng Showbiz

Ang 23-taong gulang na aktor na si Ruru Madrid ay isa sa mga Kapuso actor na hindi lang basta hinahangaan ng marami bilang isang mahusay na artista, kundi pinapantasya rin at kinakikiligan dahil sa kanyang kagwapuhan at kakisigang taglay.

Nagsimula ang karera ni Ruru Madrid sa mundo ng showbiz ng sumali siya sa talent reality show noong taong 2012 na “Protégé: The Battle For The Big Artista Break”, kung saan ay nakuha niya ang pagiging isang runner-up at si Jeric Gonzales naman ang itinanghal na grand winner.

Photo credits: athenahmadrid | IG

Matapos nga ang naging pagsabak na ito ni Ruru sa nasabing kumpetisyon ay nagtuloy-tuloy na ang pagbubukas ng magagandang oportunidad sa kanya sa mundo ng showbiz. At ang pinaka-malaki ngang proyekto na una niyang natanggap ay ng mapabilang siya sa Kapuso fantaserye noon na “Encantadia” na umere sa telebisyon noong taong 2016, kung saan ay ginampanan niya ang karakter bilang si Ybarro o Rama Ybrahim.

Photo credits: athenahmadrid | IG

Dahil nga sa kanyang ipinamalas na husay, noong taong 2917 ay pirangalan siya bilang Best Drama Actor sa 31 st MPC Star Awards For Television.

Samantala, ngayon nga ay hindi na lamang si Ruru Madrid sa kanilang pamilya ang sumasabak sa industriya ng showbiz, dahil ang kanyang nakababatang kapatid na may angking kagandahan ay nagsimula na ring sumabak sa pag-aartista at ito nga ay si Athena Merrique Madrid.

Photo credits: athenahmadrid | IG

Hindi pa man napapasok ni Athena ang mundo ng showbiz, ay naging agaw-pansin na siya sa mata ng mga netizens, at ito nga ay dahil sa kanyang angking kaseksihan at kagandahan na tunay nga namang kahanga-hanga.
Ayon sa ulat, taong 2018 ng unang sumabak si Athena sa pagmomodelo, matapos siyang maging isa sa mga modelo na umariba sa naging Bench Fasion Show noon.

Taong 2019 ay sumali naman sa StarStruck season 7, isang reality TV show ang nakababatang kapatid ni Ruru na si Athena, at doon nga ay nakilala ito sa kanyang stage name bilang si “Rere.” Sa kumpetisyon ngang ito ay ipinamalas ng dalaga ang kanyang husay at talento, hindi lang sa pag-arte kundi maging sa pagiging mang-aawit.

Photo credits: athenahmadrid | IG

Hindi man pinalad si Athena na magwagi sa kumpetisyon ay marami naman ang nagbukas na oportunidad para sa kanya, na naging daan nga upang unti-unti na siyang makabuo ng sariling pangalan sa industriya hanggang sa siya nga ay makilala na ng publiko bilang isang personalidad sa industriya.

Photo credits: athenahmadrid | IG

Isa nga sa mga proyekto ni Athena ngayon ay ang magiging bagong serye ng Kapuso network na “To Have And To Hold”, kung saan ay makakatambal nga niya ang isa sa mga hunk actor ngayon na si Luis Hontiveros.
Hindi naman maikakaila na malaki ang pagkakahawig ni Athena sa kanyang Kuya na si Ruru Madrid, at tulad nga ng kanyang nakatatandang kapatid ay handa ring patunayan ng dalaga ang kanyag husay sa pagiging artista.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *