Kilalanin si Javi Benitez, Ang Binatang Bilyonaryo na Nagpapatibok sa Puso Ngayon ng Aktres na Si Sue Ramirez

Hindi maikakaila na sa taglay na kagandahan ng aktres na si Sue Ramirez, ay isa siya sa may pinakamagandang mukha sa mundo ng showbiz, na pinapantasya rin ng maraming mga kabinataan. Ngunitn alam niyo ba na ngayon ay ‘happily inlove’ si Sue sa kanyang boyfriend na si Javi Benitez.

Marahil ay marami ang nais malaman ng katauhan at personalidad ng lalaking nagpapatibok ngayon sa puso ng aktres, kaya naman narito ang ilan sa mga detalye patungkol sa binata, na napagalaman na isa maliban sa pagiging gwapito ay isa rin umano itong bilyonaryo.

Si Javi Benitez o Javier Lopez Benitez sa kanyang buong pangalan ay isinilang noong ika-8 ng Oktubre taong 1994 sa Quezon City, ngunit siya’y lumaki sa Maynila. Siya ay anak ng kilalang pulitiko at negosyante sa Negros Occidental na si Albee Benitez.

Credit: Sueannedoodles | Instagram

Unang nakilala si Javi Benitez ng publiko nang magkaroon siya ng maliit na parte sa Studio 23’s sport themed tv show na tinatawag na Sports Kid noong taong 2008, ngunit taong 2016 ay bumalik naman ito sa isang TV segment na pinamagatang ANC’s Game Changer.

Hindi nagtagal ay naging isa sa mga bagong artista ng Kapamilya network si Javi, kung saan ay ang una nga niyang naging proyekto ay nang mapabilang siya sa seryeng “The General’s Daughter” na pinagbidahan ng aktres na si Angel Locsin. Dito ay ginampanan niya ang karakter ng isang businessman. Maliban pa dito ay nagkaroon rin siya ng proyekto na kanyang pinagbidahan, ito nga ay ang pelikulang Kid Alpha One.

Credit: Sueannedoodles | Instagram

Dahil sa madami na rin ngang mga proyekto si Javi na nagawa sa telebisyon, ay naging daan nga ito para mas lalo pa siyang makilala ng publiko.]

Samantala, lingid naman sa kaalaman ng marami, na sa kasalukuyan ay ang am ani Javi ang Chairman ng Leisure & Resorts World Corp., ang siya ngang nagpapatakbo sa buong bansa ng bingo parlors. Ito rin umano ang namamay-ari ng Briglight Productions, na mayroong multi-million deals sa Kapatid Network.

Credit: Sueannedoodles | Instagram

At bilang anak, ay mayroon ring malaking role na ginagampanan si Javi sa mga kumpanya na pagmamay-ari ng kanyang ama, kaya naman masasabi talaga n asa murang edad niya ay milyonaryo na ito.

Sa ngayon ay mas nakikilala ng marami si Javi, ng maging laman nga ng balita ang relasyon nila ng aktres na si Sue Ramirez, kung saan ay kamakailan nga lamang ng aminin nilang dalawa sa publiko na may namamagitan ng relasyon sa kanilang dalawa.

Credit: Sueannedoodles | Instagram

Marami na rin ngayong mga tagasubaybay si Javi. Ang gwapong binata nga na nobyo ni Sue, ay mayroon ng 48,000 followers sa kanyang official Instagra, account, at sa Facebook naman ay mayroon na siyang 6,000 followers. Samantala, kagagawa lang naman umano ng Twitter account ng binata, base na rin sa ibang mga ulat.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *