Jessa Zaragoza at Dingdong Avanzado, Ipinagdiwang ang 18th Birthday ng Anak Nilang Si Jayda sa Isang Prestihiyosong Venue

Hindi na rin iba sa panahon ngayon ang mga engrandeng selebrasyon ng mga kabataang nagdiriwang ng kanilang ika-labingwalong kaarawan. Syempre, hinding-hindi magpapahuli ang mga anak ng mga kilalang personalidad sa showbusiness.

Credit: Jayda | Instagram

Isa na rito si Jayda na kabilang sa bagong henerasyon na nagsisimulang gumawa ng sariling pangalan sa industriya. Matatandaan rin na naghahanda siya ngayon para sa kaniyang debut album na, “Bahagi”. Naging matagumpay din si Jayda sa kaniyang pagtatanghal sa kauna-unahan niyang concert na, “Jayda in Concert”.

Credit: Jayda | Instagram

Bilang anak ng mga itinuturing na icon pagdating sa musika na sina Jessa Zaragosa at Dingdong Avanzado, hindi na rin nakapagtataka kung magtuloy-tuloy ang kaniyang tagumpay sa larangan ng musika.
Bilang unica hija rin ng mga tanyag na personalidad, hindi na rin nakakagulat kung talagang engrande ang pagdiriwang ng kaniyang 18th birthday.

Bagamat limitado ang mga selebrasyon ngayon dahil sa pandemya, siniguro nina Jessa at Dingdong na simple ngunit espesyal pa rin ang araw na ito para kay Jayda. Kaya naman noong June 28 ay ipinagdiwang ng kanilang pamilya ang kaarawan ni Jayda sa Okada Manila, isa sa mga prestihiyosong hotel.

Credit: Jayda | Instagram

Mas naging espesyal din ang kaniyang kaarawan sapagkat kasama nila ang mga malalapit na kaibigan ni Jayda sa industriya gaya nina Francine Diaz, Bugoy Drilon, Robi Domingo, at Inigo Pascual. Naroon din ang ilan sa mga malalapit na fans ni Jayda na nagbahagi ng konting pasilip sa mga kaganapan sa kaniyang kaarawan.

Credit: Jayda | Instagram

Makikita rin sa Instagram account ni Jayda ang ilan sa mga litrato kung saan makikita ang simple at eleganteng dekorasyon sa venue at cake, ilan sa mga bisita, at syempre ang litrato kasama ang kaniyang mga magulang. Mayroon ding maikling video ng mga kaganapan sa kaniyang pagdiriwang. Nagkomento naman dito ang ilang kaibigan at mga personalidad at binati siya ng maligayang kaarawan.

Credit: Jayda | Instagram

Nagbahagi rin ng maikling mensahe si Jessa at Dingdong para sa kanilang anak. Ayon sa kanila, ipinagmamalaki nila si Jayda sa kung ano man ang naabot nito. Masaya rin sa dedikasyon ng kanilang anak sa trabaho kaya patuloy silang susuporta sa kaniya.

Credit: Jayda | Instagram

Nagpasalamat din naman si Jayda hindi lang sa kaniyang pamilya kundi pati na rin sa lahat ng dumalo at nakiisa sa kaniyang kaarawan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *