Heart Evangelista, Ipinasilip ang Isa sa mga Ipinagmamalaki Niyang Investment ang Napakaganda at Nakakarelaks Niyang Resort sa Isla ng Boracay

Masayang ipinasilip ng aktres na si Heart Evangelista Escudero sa kanyang YouTube channel sa pamamagitan ng isang video tour ang kanyang pagmamay-aring resort sa mala-paraisong isla ng Boracay. Ibinahagi rin niya na ito ay bukas na sa publiko, at ‘welcome’ nga ang mga gustong mag-relaks at magbakasyon sa napakagandang isla.

Credit: Heart Evangelista | Youtube

“I’m so excited for this. I put a little bit of my lifetime savings with other partners for this little resort and I really wanted to vlog it because I want to invite you guys one day,” saad ni Heart sa unang bahagi ng kanyang video tour.

Dagdag pa niya, “Welcome to Harlan Beach Resort here in Boracay. Again, when the time is right and when you guys are able, I would love to have you stay here. It is open for rent, this whole place. It’s a beautiful place.”

Credit: Heart Evangelista | Youtube

Ipinasilip ni Heart ang harapang bahagi ng kanyang beach resort kung saan ay makikita ang swimming pool. Ipinakita rin nito ang ilang bahagi ng kanyang resort kagaya na lamang ng living area, kitchen area at ang mga bedroom, kung saan ito ay nakapang-anyaya lalo sa mga nais magbakasyon dahil sa talaga namang nakaka-relaks ito.

Ipinakilala pa ng aktres ang ilan sa mga tauhan ng kanyang beach resort, kagaya na lamang ng kanyang chef na si Gino at ang tila assistant nito na si Paul, na siya ngang mga nagluluto sa tuwing may guest sa kanilang resort.

Credit: Heart Evangelista | Youtube

Karamihan sa mga silid na nasa resort na pagmamay-ari ng aktres ay may napakagandang view, dahil sa tanaw mula sa mga ito ang ‘beach front’ kung saan nga ay makikita ang napakagandang dalampasigan ng Boracay.

Ayon kay Heart, ang pangalan ng kanyang pagmamay-aring resort ay Harlan Beach Resort, na matatagpuan nga sa isla ng Boracay.

Credit: Heart Evangelista | Youtube

Ibinahagi rin ng aktres, kung gaano siya kasaya at ka-proud na makita ang kanyang pinaghirapan, lalo pa’t talaga namang sulit na sulit ang pag-invest niya sa naturang isla lalo na’t ang naturang lugar ang isa sa mga ‘tourist destination’ ng mga turista sa ating bansa.

Credit: Heart Evangelista | Youtube

“I’m so proud to be part of the group that has invested here, just a little bit, but it’s hard work and I’m just happy that I did not. So yes, after working 24 years I think it’s important that we invest our hard-earned money. So now it’s time to enjoy the fruits of our labor”, saad pa ng aktres.

YouTube video player

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *