Dominic Roque at Bea Alonzo, Naghatid ng Kilig Matapos Maispatang Sweet na Sweet sa Kanilang Hiking Date Kasama ang mga Kaibigan sa California

Isa nga sa talagang pinag-uusapan at inaabangan ngayon ng mga netizens sa social media ay ang pag-iibigan ng rumored couple na sina Bea Alonzo at Dominic Roque.

Tila naman unti-unti nang nagiging bukas sa publiko sina Bea at Dominic sa kung anumang namamagitan sa kanilang dalawa. At tila nga, handa na ring isiwalat ng dalawa ang tunay na estado ng kanilang relasyon sa pamamagitan nga ng unti-unti pagbabahagi ng kanilang mga larawan.

Matatandaan na unang linggo pa lamang ng July, maugong na ang pangalan nina Bea at Dominic matapos ngang magkasamang magbakasyon sa California, at nakita pang magkasama sa isang larawan nang dumalo sa baby shower ng Tita ni Dominic na si Beth Tamayo.

Mas lalo namang tumibay ang paniniwala ng mga tagahanga nina Bea at Dominic na may relasyon ang dalawa, matapos magkomento ng “i love you” ang aktor sa Instagram post ng bagong Kapuso actress.

At ngayon nga, ay talagang hindi na maawat ang kilig ng mga tagahanga ng BeaDom, dahil muli na namang nakitang magkasama ang dalawa at sa pagkakataong ito nga ay isang sweet photo na ang masisilayan.

Hindi nga pinalampas ng kanilang mga tagahanga ang larawang ibinahagi ni Dominic sa kanyang Instagram na kung saan nga ay naghatid sa kanila ng matinding kilig. Makikita kasi sa nasabing larawan na nakayakap mula sa likuran ni Dominic si Bea habang parehong nakangiti sa harap ng camera.

At base sa caption ng post ng aktor, ay nagkaroon ng hiking date sina Bea at Dominic kasama ang kanilang mga kaibigan sa Yosemite National Park, isang kilalang lugar sa California.

Sa isa namang fan page ng BeaDom ay mas lalong kinakiligan ang dalawa nang i-crop ang larawan at tanging sila na lamang ang natira.

Samantala, nagbahagi naman ni Bea sa kanyang Instagram ng larawan na kuha sa kanilang masayang hiking kung saan ay nilakipan niya ng caption na red heart emoji. Sa Instagram stories naman ay hindi na itinago pa ni Bea na kasama niya si Dominic sa mga larawang kanyang ibinahagi kung saan ang naghahanda sila ng kanyang mga kaibigan para sa kanilang hiking adventure.

Matatandaan na unang pinag-usapan ng kanilang mga tagahanga ang namumuo nilang pagtitinginan noong taong 2020 kung saan nga ay madalas makitang magkasama ang dalawa. At noong July 2020, ay mas lalo silang pinag-usapan nang itag si Bea ni Dominic sa isang post kung saan ay nilakipan ng caption na,“Tila ako’y nabighani”.

At noong April 2021, ay nagkaroon na nga ng kumpirmasyon mula kay Bea na sila ni Dominic ay exclusively dating na.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *