Celebrity Mommy na Si Alice Dixson Masayang Nakipag-Beach Bonding sa Kanyang Baby Girl na si Aura

Mayo ngayong taon ng masayang i-anunsyo ng aktres na si Alice Dixson sa publiko na sa kanyang edad na 51-taong gulang ay winelcome na niya sa kanyang buhay ang kanyang anak. At ang pagkakaroon nga ng anak sa kabila ng kanyang edad ay naging posible sa tulong ng isang surrogate mother.

Sa noontime show na Eat Bulaga, sa segment nitong ‘Bawal Judgemental’ ay ibinunyag ni Alice na ang kanyang anak ay isang babae, at ito nga ay binigyan niya ng isang napakagandang pangalan na ‘Aura’.

Credit:  Alice Dixson | Instagram

“Babae ang anak ko”, ang naging sambit ng aktres.
“Her name is Aura”, dagdag pang pahayag nito.

Samantala, noon nga lamang nakalipas na ika-8 ng Hulyo ay ibinahagi naman ni Alice Dixson sa kanyang social media account ang masayang pakikipag-bonding niya sa kanyang baby, kung saan ay dinala nga niya ito sa isang beach.

Makikita sa mga larawan na ibinahagi niya sa kanyang Instagram account na siya’y nakangiti sa Kamera, habang ang kanyang anak na si Baby A [baby Aura] ay nakakandong naman sa kanya.

Credit:  Alice Dixson | Instagram

“Making memories in my heart [red heart emoji]”, ang naging caption ni Alice sa kanyang IG post.

Naikuwento naman ng aktres, na kaya hindi niya naibabahagi sa kanyang social media ang ibang mga larawan ng kanyang anak, mula ng isinilang ito ay dahil sa ito’y aksidenteng nabura, kasama na nga ang mga bidyu.

Credit:  Alice Dixson | Instagram

“Something happened with my photos and video footage(s), recent vlogs and more.. Saka ko ikuwento pag puede na, but nakakasad because all the photos and videos with Baby A was born were all together (crying emojis0”, paglalahad ni Alice.

Dagdag pa niya, mabuti na lamang at may bidyu pa rin si Baby A na kanyang naibahagi sa Instagram, at ito nga ay ang bidyu kung saan makikita na pinapatapak niya sa buhangin si Baby A.

Naibahagi naman niya na ngayon nga ay abala siya sa kanyang taping sa magiging bago niyang proyekto sa GMA-7, at ito nga ay ang “Legal Wives”, kaya naman napapadalas din na nawawalay siya sa kanyang baby girl na dahilan para ma-miss niya ito ng sobra.

Credit:  Alice Dixson | Instagram

“I’ve been away at work only a weekand it feels sooo tagal! This is the longest I’ve ever been apart from my smiling baby Buddha”, ani Alice.
“Definite water baby”, ang pahayag pa nito.

Si Alice Dixson ay ikinasal noon sa kanyang businessman na asawa na si Ronnie Miranda at ang kanila ngang pagsasama ay tumagal ng halos 14-taon, ngunit ito ay nauwi rin sa hiwalayan. Sa kabila naman ng pangyayaring ito, ay masaya at maayos ang buhay ngayon ni Alice, at mas nagkaroon pa ito ng kulay ng dumating sa kanyang buhay ang anak niyang si Baby Aura.

Credit:  Alice Dixson | Instagram

Kapansin-pansin naman sa bawat ngiti ni Alice ang labis na kasiyahan niya ngayon na siya ay isa ng ganap na ina sa kanyang napakakyut na anak.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *