Celebrity Couple Kathryn Bernardo at Daniel Padilla, Masayang Nag-Camping Trip Kasama ang mga Malalapit na Kaibigan na Sina Josua, Sofia at Ria

Masaya nga naman sumubok ng mga bagong adventure sa ating buhay, lalo na kung ang makakasama natin na gawin ito ay ang ating mga malalapit na kaibigan. Panigurado nga naman na ang bagong ‘adventure’ na susubukan ay mapupuno ng kuwentuhan at tawanan.

Credit: Sofia Andres | Instagram

Katulad na lamang ito ng kamakailan lamang ay naging masayang adventure ng magkasintahang Kathryn Bernardo at Daniel Padilla kasama ang kanilang mga malalapit na kaibigan, na sina Ria Atayde, Joshua Garcia, Sofia Andres at ang partner nito na si Daniel Miranda.

Makikita sa Instagram account na ibinahagi ni Kathryn nito lamang ika-8 ng Hunyo, araw ng Huwebes, ang naging pagbabahagi niya ng mga kuhang larawan sa naging masayang adventure nilang magkakaibigan, kung saan sila nga ay nag-camping trip at sumubok ng iba pang mga aktibidades sa kabundukan.

Kalakip ng mga larawan na ito ay ang naging pagpapahayag ni Kathryn ng kanyang kasiyahan na makasama ang kanyang mga kaibigan sa isang nakakamanghang ‘experince’ na ito.

Credit: Kathryn Bernardo | Instagram

“Been wanting to try camping for quite some time now, and I’m so lucky I got to finally experience it with this awesome group! What an unforgettable time that I’d cherish forever – from building our tents, to passing through and swimming in the river, to trekking and cooking our food while having the most random conversations, and to helping each other get through muddy roads. Grabe. WILD.”, ang naging caption nga ng Kapamilya actress.

Sa mga larawan ngang ibinahagi ni Kathryn ay makikita ang iba’t ibang mga aktibidad na ginawa ng magkakaibigan sa kanilang nakamamanghang adventure camping trip, kung saan ay sila ay nag-trekking, nag-enjoyed mag boat ride at magkakatulong na nag-set-up ng kanilang tent.

Credit: Kathryn Bernardo | Instagram

Credit: Katdj | Instagram

Hindi rin naman magiging kumpleto ang isang camping kung hindi ito overnight, kaya naman ang magkakaibigan ay masaya ring nag-overnight at gumawa pa ng campfire.

Samantala, makikita rin sa kanya-kanyang Instagram account nina Joshua, Sofia at Ria ang naging pagbabahagi nila ng mga larawan na kuha sa naging masayang camp trip nila na ito.

Credit: Joshua Garcia | Instagram

Credit: Joshua Garcia | Instagram

Bago pa man ang naging camp trip na ito ng magkakaibigan ay nagkaroon na rin ng bonding time sina Kathryn at Daniel sa Batangas kasama ang kaibigan nilang si Ria, at ang magkasinatahang sina Sofia at Daniel.
Matatandaan rin na kamakailan lamang ay naging ‘guest’ ni Kathryn ang kanyang kaibigang si Sofia sa kanyang YouTube channel segment na “TGIS”.

Ang aktor naman na si Joshua Garcia ay ang bagong badminton buddy ng magkasintahang Daniel at Kathryn, na nagsimula ngang kahiligan ang naturang sports ng magkaroon ng quarantine. Naging katrabaho rin ng magkasinatahan si Joshua sa pelikula nila noon na “Barcelona: A Love Untold” noong taong 2016.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *