Award-Winning Actress Bea Alonzo, Ibinahagi Kung Bakit Nagdesisyon na Lumipat sa GMA Network at Hindi Napigilan ang Maging Emosyonal Habang Nagbibigay Mensahe ng Pagpaalam sa ABS-CBN

Si Bea Alonzo ay isa sa mga tinitingalang bituin sa industriya ng showbiz, lalo pa nga’t isa siya sa mga bigating artista noon ng ABS-CBN. Ang mga proyekto na kanyang pinagbidahan ay talaga namang tinangkilik ng marami kung saan ay naging ‘blockbuster’ pa nga karamihan sa mga ito. Kaya naman marami sa kanyang mga tagahanga at mga netizens, ang ikinagulat ang naging malaking desisyon ng aktres na ginawa nito lamang nakaraan, kung saan ay pumirma na nga ito ng kontrata sa rival network.

Photo credits: Bea Alonzo | IG

Sa bagong vlog ni Bea ba kanyang ini-upload nito lamang ika-1 ng Hulyo, ay ikinuwento ng aktres ang naging pagsisimula niya sa mundo ng showbiz at kung gaano malaki ang naging parte ng ABS-CBN sa kanyang pagkakaroon ng magandang karera sa industriya. Anya pa, ang vlog niyang ito ay para sa kanyang mga tagahanga, na parang isang ‘love letter’ na naglalaman ng pasasalamat niya sa mga ito.

Ikinuwento ng aktres sa unang bahagi ng kanyang vlog ang kanyang kabataan, kung saan ay bata nga lamang siya ay pangarap na niya ang mapanood siya sa telebisyon ay talagang nais niya ang mag-artista. Ibinahagi rin niya kung paano niya noon ang mga artista sa telebisyon, kagaya na lamang ni Judy Ann Santos, kung saan habang siya ay nakaharap sa salamin ay umaarte rin siya gaya ng pag-arte nito.

Dagdag pa ni Bea talagang sinanay niya ang kanyang sarili noon na umiyak sa harapan ng salamin. Kinahiligan din niya ang panonood ng “Ang TV”, kung saan ay sinusubaybayan niya ang mga nagiging pagsayaw ng mga karakter sa nasabing show, at dito nga na-build-up niya pa lalo ang kanyang acting skills.

Photo credits: google

Noon pa nga ay malinaw na kay Bea na ang ‘passion’ niya talaga ay ang pag-arte at pag-aartista, kaya naman kahit hindi niya alam kung paan magsisimula ay naging positibo pa rin siya na matutupad niya ang pangarap niyang ito.

Ang fasion designer at bestfriend ni Bea ang nagsimulang tumulong sa kanya, kung saan ay pinag-audition siya ng mga ito sa ABS-CBN. At sa kagandahang palad nga ay nakuha siya sa Star Circle batch 10, kung saan ayon sa kanya ay nakasabayan niya noon ang mga kilala na ring artista ngayon na sina, Dennis Trillo, Alfred Vargas at Nadine Samonte.

Ibinahagi rin ni Bea kung gaano kahirap ang naging pagsisimula niya sa showbiz, na ayon nga sa kanya at talaga namang hindi madali, lalo na para sa isang bagohan at mahirap lamang noon na gaya niya. Naranasan niya umano ang manghiram ng mga damit sa kapit-bahay para lamang may maisuot souta sa show at taping ng ABS-CBN. At Dahil walang sariling sasakyan ay naranasan niya rin ang makisabay sa mga crew o staff ng production ng isang show na kanyang kinabibilangan.

Dahil sa naging pagsusumikap at tiyaga ni Bea, ay dumating rin sa kanya ang kanyang pinakahihintay at pinapangarap na mabigyan siya at magkaroon siya ng isang role sa teleserye at ito nga ay ng mapabilang siya sa book 1 ng “Kay Tagal Kitang Hinintay” na pinagbidahan nina John Lloyd Cruz at Lorna Tolentino, ngunit ayon sa kanya ay maiksi lamang ang kanyang naging role dito.

Photo credits: google

Muli naman umano siyang nag-auditon para sa book 2 ng nasabing teleserye at ng makuha ngang muli, ay ito na ang naging simula ng magandang karera niya, hanggang sa magtuloy-tuloy na nga ang takbo at pag-angat niya bilang isang artista.

Photo credits: google

Ayon kay Bea, sa kanyang natamong kasikatan, ay marami siyang kinailangan na isakripisyo, una na rito ay ang kanyang pag-aaral.

Samantala, hindi naman napigilan ni Bea ang maging emosyonal habang sinasabi ang pagpapaalam niya sa kanyang home network, ang ABS-CBN na kamakailan nga lamang ay nawalan ng prangkisa. Ayon sa aktres, ay malaki ang utang na loob niya sa ABS lalo pa’t ito ang tumulong sa kanya para matupad niya ang kanyang pangarap.

Matapos nito, ay inilahad naman ng aktres kung ano nga ba ang kanyang naging pinakadahilan sa desisyon niya na paglipat sa rivay network na GMA-7. Ito nga umano ay dahil sa hinahanap ng kanyang katawan ang passion sa pag-arte. Dagdag pa ni Bea, hinahanap ng kanyang katawan ang pag-arte, lalo na’ simula pagkabata ay passion na niya ang pag-arte.

Photo credits: Bea Alonzo | IG

Ikinagulat man ng marami ang naging desisyon ni Bea Alonzo, ay marami rin naman sa kanyang mga tagahanga ang nanatili ang suporta sa kanya at positibo na magiging maayos at maganda pa rin ang takbo ng karera ng aktres ngayon na nasa ibang network na siya.

NEW BEGINNINGS | Bea Alonzo

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *