Anne Curtis, Ibinahagi ang Adorable Video ni Baby Dahlia Habang Tinutulungan ang Kanyang Daddy Erwan sa Kusina

Tila nga sa mabilis na paglipas ng panahon, ay hindi rin namalayan ang mabilis na paglaki ng napakacute na anak nina Anne Curtis at Erwan Heussaff na si Dahlia Amelie Heussaff. At sa bawat pagdaan ng mga araw, ay maraming mga bagay ang natutunan ng munting bata na bahagi ng kanyang milestone.

Sa ipinapakitang kacutan at kabibohan ni Baby Dahlia, ay hindi naman mapigilan ng mga netizens ang humanga at panggigilan ang batang ito. Napakacute naman talaga ni Baby Dahlia na ayon nga sa kanyang mga tagahanga ay carbon copy ng kanyang amang si Erwan Heussaff.

Sa bawat milestone naman ni Baby Dahlia ay nakaabang ang mag-asawang Anne at Erwan kung saan ay kanilang kinukuhaan ng larawan at video. At bilang proud parents ng kanilang anak sa taglay nitong talento at katalinuhan ay masaya naman nila itong ibinabahagi sa kanilang mga tagahanga.

Photo credits: annecurtissmith | IG

At kamakailan lamang nga, ay proud na ibinahagi ni Anne ang isang video sa social media kung saan makikitang tinutulungan ni Baby Dahlia ang kanyang Daddy Erwan sa kusina.

Kilala bilang chef si Erwan at sa nasabing video, ay tila nagsilbing assistant si Baby Dahlia ng kanyang ama. Makikita nga na inaabot ni Baby Dahlia sa kanyang ama ang mga ingredients na kailangan nito sa gagawin nitong recipe na mula sa refrigerator. At matapos nga isara ang ref ni Erwan, ay tuwang-tuwa naman si Baby Dahlia sa kanyang ginawa.

Photo credits: annecurtissmith | IG

Maririnig naman ang tinig ni Anne sa background na tuwang-tuwa habang kinukunan ng video ang kanyang anak. Makikita rin na tumulong si Baby Dahlia sa paghahalo sa iluluto ng kanyang ama, at may sarili pa itong Hello Kitty egg beater whisk.

Hindi naman matatawaran ang cute na reaksyon ni Baby Dahlia, matapos naman iabot sa kanya ang paborito nitong prutas na plum. At sa pagkagat nga ni Baby Dahlia sa prutas ay talaga namang takam na takam ito.

Ang adorable video ni Baby Dahlia ay nilakipan naman ng caption ni Anne na talagang proud na proud sa kanyang anak.

Caption ng celebrity mom sa kanyang post,

“Family SaturDATE. I used to obsess over father-daughter cooking videos on Facebook & now I slowly get to see my own version IRL(in real life) as she gets older. Oh and please excuse my annoyingly proud mama voice and reactions.”

Bumuhos naman ang mga komento ng paghanga mula sa mga netizens kung saan ay talagang cute na cute kay Baby Dahlia.

“Cute dahlia, parang kailan lang baby ka, ngayon nasa kusina kana assistant ng tatay mo, your growing too fast little princess”

“So cute naman diz lil girl, ang galing nauutusan na”

So cute!!! Thanks for sharing this! Definitely made mg morning. I’d probably watch this repeatedly, haha! Cute Dahlia.”

“Oh my God dahlià. You are growing so fast little chef!”

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *