Aktor na si Robin Padilla Kinumpirma ang Paghihiwalay ng Anak Niyang si Kylie Padilla at Asawa Nitong Si Aljur Abrenica

Si Kylie Padilla at Aljur Abrenica ay isa sa mga kilalang celebrity couples sa industriya ng showbusiness. Sila ay ikinasal noong 2018 at nagkaroon ng dalawang anak na sina Alas Joaquin at Axl Romeo.

Credit: Aljur Abrenica | Instagram

Si Aljur Abrenica, na ngayon ay edad 31 ay nakilala sa kaniyang mga sikat na palabas sa GMA network katulad ng Machete. Noong 2017, siya ay lumipat sa ABS-CBN network at gumanap sa kaniyang lead role sa palabas na Asintado.

Samantala amg aktres naman na si Kylie Padilla edad 28 ay kilala ng marami bilang isa sa mga anak ng kilalang aktor na si Robin Padilla ay gumawa rin ng sariling pangalan sa industriya lalo na sa kaniyang naging pagganap sa Encantadia bilang isa sa mga sahngre.

Credit: Aljur Abrenica | Instagram

Matatansaan na noonv buwan ng Pebrero taon ng masalukuyan ng magsimula ang isyu ng kanilang paghihiwalay. Nang mabasa ng mga netizen at tagasubaybay ni Kylie Padilla ang kanyang naging post sa Instagram na nagsasabing, “I’m submissive, not stupid”. Makikita rin sa isa pang litrato na hindi niya suot ang kanilang wedding ring.

Napansin din ng netizens ang litrato ni Aljur na may hawak na rosaryo at may caption tungkol sa kaniyang dalangin para sa kapayaan at kalinawan. Bukod sa mga post na ito ay nanatiling tahimik ang dalawa.
Ngunit nang sumunod na buwan ng parehong taon ay binati ni Aljur Abrenica si Kylie Padilla noong Mothers’ Day. Dahil dito, pansamantalang huminto ang isyu tungkol sa kanilang paghihiwalay. Noong Mayo naman ay inihayag ni Aljur sa isang media conference na nagkaroon sila ng problema ng asawa.

Credit: Aljur Abrenica | Instagram

Agad namang naging laman ng balita ang di umanoy tuluyan ng hiwalayan ng mag-asawa ng nito lamang Hulyo 7, 2021, sa isang panayam ni Ogie Diaz kay Robin Padilla (ama ni Kylie) ay kinumpirmang nito na hiwalay na ang kanyang anak sa aktor dahil sa third party.

Ayon kay Robin, si Kylie mismo ang nakipaghiwalay at sinuguro naman niya sa kaniyang ama na walang nangyaring pisikal na sakitan. Suportado rin ni Robin ang anumang magiging desisyon ng kaniyang anak na si Kylie lalo na at nagkaroon din siya ng parehong pagkakamali sa nakaraan.

Ngunit pinayuhan niya pa rin ang mag-asawa na mas mabuting itigil ang anumang alitan sa social media para sa kapakanan ng kanilang anak.

Credit: Kylie Nicole Padilla | Instagram

Dagdag pa ni Robin, maayos naman na nakapagusap ang dalawa noong Fathers’ Day kaya naman sa kabila ng lahat ay umaasa pa rin siya na magkakaayos at magkakabalikan ang mag-asawa.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *