Tingnan ang mga Sweet Throwback Photos ng mga Sikat na Artistang Ito Kasama ang Kanilang mga Magigiting na Ama

Ang buwan ng June ay inilaan upang bigyang pugay ang mga haligi ng tahanan. Sila nga ang masisipag at ulirang ama kung saan ay patuloy na nagsusumikap at ipinapakita ang pagmamahal sa kanilang pamilya. At upang gunitain ang pagdiriwang ng Father’s day, ay kanya-kanyang pagbati ang ipinaabot ng mga sikat na artista sa kanilang mahal na ama sa pamamagitan ng kanilang mga sweet na throwback photos sa social media.

Alex Gonzaga

Kitang-kita naman ang masayang ngiti ng mag-amang Alex Gonzaga at kanyang Daddy Bonoy sa kanilang throwback photos. Ito ay kuha matapos makauwi sa kanilang bahay galing sa sport fest ni Alex. Sa caption naman ng post ni Alex, ay sinabi niya kung gaano niya kamahal ang kanyang ama.

Photo credits: google.com

Photo credits: google.com

Kathryn Bernardo

May kahabaaan naman ang naging caption ng post ng aktres na si Kathryn Bernardo bilang pagbati sa kanyang ama. Sa naturang post, ay mababakas ang labis na pagmamahal ni Kath sa kanyang ama. Nilakipan naman ni Kath ang kanyang post ng mga larawan kasama ang kanyang Daddy Teodore at ng kanilang pamilya sa paglipas ng panahon.

Julia Barretto

Dalawang importanteng tao sa kanyang buhay ang binigyang pugay ng aktres na si Julia Barretto sa kanyang post. Sa isang post ay binati niya ang kanyang ama na si Dennis Padilla, at sa isa naman ay binati niya ang kanyang yumaong lolo na si Miguel Barretto.

Photo credits: google.com

Photo credits: google.com

Kim Chiu

Ipinaabot naman ni Kim ang kanyang pagbati sa kanyang ama at sa kanyang kuya para sa espesyal na pagdiriwang ng Father’s day sa pamamagitan ng pagbabahagi ng throwback photos na kuha noong bata pa lamang siya,at kasama rin ang larawan kung saan kompleto silang pamilya.

Angel Locsin

Para batiin ang kanyang ama, ay ibinahagi ng aktres na si Angel Locsin ang lumang larawan nila ng kanyang ama na si Angelo Colmenares na kuha sa kanilang bakasyon.

Photo credits: google.com

Photo credits: google.com

Solenn Heussaff

Sa throwback photos nina Solenn at kanyang ama na si Paul Heussaff ay kitang-kita ang kanilang kasweetan. Sa ilang larawan naman ay makikitang kasama rin ni Solenn ang kanyang kapatid na si Erwan. Ang precious moments na ito kasama ang kanilang ama ay hind matutumbasan ng anumang halaga.

Liza Soberano

Marami naman ang father figure na binati ang aktres na si Liza Soberano kalakip ang kanilang mga throwback photos. Ilan nga sa mga ito ay ang kanyang sariling ama, kanyang kapatid at kanyang lolo.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *