Tingnan ang mga Kahanga-hangang Koleksyon ng mga Mamahalin at Magagarang Sasakyan ni Manny Pacquiao

Wala naman talagang duda ang angking kayamanan ng Pambansang Kamao na si Manny Pacquiao. At kung anuman ang tinatamasang tagumpay sa buhay ngayon ni Manny ay bunga ito ng kanyang pawis at dugo na mula sa kanyang husay sa boxing sa loob ng ring.

Maliban sa pagiging isang professional boxer, ay isa ring politician si Manny na ngayon nga ay nakaupong Senador ng Pilipinas magmula pa noong 2016 upang magserbisyo sa bayan. Samantala, labis ring ipinagmamalaki ng sambayanang Pilipino si Manny matapos niyang bigyan ng karangalan ang Pilipinas sa kanyang mga laban sa boxing. Siya nga ang may hawak ng titulong eight-division world champion sa buong kasaysayan ng boxing.

Samantala, hindi lamang pagiging isang politikong may puso, at mahusay na atleta ang hahangaan kay Manny, dahil kahanga-hanga rin ang kanyang pagiging matulungin sa mga taong nangangailangan. Sa kabila naman ng kanyang angking kayamanan ay nananatiling mapagkumbaba si Manny.

Hindi naman talaga biro ang kanyang kayamanan ni Manny sa dami ng kanyang mga properties at mga negosyo. Hindi rin siyempre mawawala sa kanyang marangyang pamumuhay, ang kanyang koleksyon ng mga mamahalin at magagarang sasakyan.

Ferrari 458 Italia

Photo credits: google.com

Ang Ferrari 458 Italia ay isang mid-engined sports car na prinoduced ng Italian sports car manufacturer Ferrari. At sa ganda nga ng disenyo nito, ay ito ang isa sa pinakapaboritong sports car ng mga athlete at mga sikat na celebrities tulad na lamang nga ni Canadian Popstar na si Justin Bieber. Ilang ulit na rin ngang naaktuhan si Manny na lulan ng kanyang magarang sasakyan na ito.

Lincoln Navigator

Photo credits: google.com

Photo credits: google.com

Ito naman ay isang full-sized luxury SUV na mula sa brand ng Lincoln na mula sa kompanyang Ford Motor CompanySUV. Samantala, ayon sa ilang ulat ang nasabing sasakyan ang paboritong gamitin ni Manny sa tuwing magtutungo siya sa gym para sa kanyang training.

Mercedes SL550

Photo credits: google.com

Ang sasakyan namang ito ni Manny ay dekada 50’s nang sumikat sa merkado at matipuhang isama sa koleksyon ng mga mayayaman. Ang Mercedes Benz SL-Class na ito rin minsan ang sinasakyan ni Manny para makapuntang gym.

Mitsubishi Pajero

Photo credits: google.com

Ito naman ang kauna-unahang sasakyang nabili ni Manny noong nagsisimula pa lang mamayagpag ang kanyang karera sa boxing.

Hummer H2

Photo credits: google.com

Isa naman sa kahanga-hangang sasakyan ni Manny ay ang nabili niyang bulletproof Hummer H2 vehicle mula sa International Armouring Philippines. Kinuha nga ni Manny ang sasakyan na ito, hindi lamang para sa kanyang kapakanan at kaligtasan kundi pati na rin sa kaligtasan ng kanyang buong pamilya. At dahil nga naglilingkod siya sa bansa bilang Senador ay kailangan niya rin ng proteksyon para sa kanyang sarili.

Porsche Cayenne Turbo S

Photo credits: google.com

Isa naman sa sasakyang maipagmamalaki ni Manny hindi lang dahil sa magarang dating nito, kundi dahil sa nakakalula nitong presyo. Ang mid-size luxury crossover sport utility vehicle na ito ay taong 2002 nagsimula ang production. Base sa mga reports, binili ni Manny itong Porsche Cayenne Turbo S matapos manalo sa rematch nila ni Erik Morales.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *