Tinaguriang Pinakabatang Mayor sa Pilipinas, Siya si Mayor Bryan Celeste na may Kapuso Actress na Kasintahan

Marami na sa ating bansa ang mga nanunungkulan sa napakabatang edad ng mga ito. Ngunit, marahil lingid sa kaalaman ng mga tao na mayroon ang bansang Pilipinas ng isang Mayor na siyang pinakabata sa lahat dahil sa kaniyang edad na 22 taon lamang.

Photo credits: Bryan Celeste | IG

Siya ay si Mayor Arth Bryan C. Celeste, sa kaniyang edad na 22 taong gulang lamang naging tagapaglingkod na siya ng kaniyang bayan. Siya ay nanunungkulan bilang Mayos sa Alaminos City, Pangasinan. Sa mga ulat tungkol kay Mayor Arth, siya ay ipinanganak noong ika-5 ng Hunyo taong 1996.

Photo credits: Bryan Celeste | IG

Photo credits: Bryan Celeste | IG

Siya ay nakapagtapos sa De La Salle University sa kursong BS Entrepreneurship. Ang pagiging politiko ay nasa kanilang lahi dahil ang kaniyang ama ang dating Mayor ng Alaminos City, Pangasinan.

Photo credits: Bryan Celeste | IG

Sa pagsisimula niya sa kaniyang karera bilang isang alkalde, siya ay naging Brgy. Captain muna ng Barangay Magsaysay sa kanilang lugar. Kagaya na rin ng iba pang mga sikat na akalde dito sa Pilipinas, iisa lang din ang kaniyang nais ito ay ang mapaunlad ang kanilang lugar at mapanatili itong maayos. Maraming mga netizens ang bumibilib sa kaniyang kakayahan dahil sa kaniyang pagiging maagap at epektibong taga-serbisyo ng kaniyang bayan.

Photo credits: Bryan Celeste | IG

Maliban sa kaniyang magandang panunungkulan, naging agaw pansin rin sa social media ang kaniyang buhay pag-ibig. Napag-alaman ng marami na ang kaniyang kasintahan ay walang iba kundi ang GMA aktres na si Pauline Mendoza. Marami ang kinikilig sa sweetness nila Mayor Arth at ng aktres na si Pauline na laging ibinabahagi ng alkalde at aktres sa kanilang mga social media. Hindi naman maiwasang mapuna ang kagandahang taglay ng aktres, si Pauline ay nakilala sa TV seryeng “Kambal, Karibal” ng GMA 7.

Photo credits: Pauline Mendoza | IG

Photo credits: Pauline Mendoza | IG

Ang naging estado ng magkasintahan ay laging long distance relationship dahil sa Alaminos naninirahan si Mayor Arth samantalang sa Marikina naman ang kapuso aktres.

Photo credits: Pauline Mendoza | IG

Ngunit kahit malayo sila sa isa’t isa hindi naman ito hadlang sa kanilang maganda at maayos na pagsasama. Ramdam na ramdam naman ang kanilang pagmamahalan sa isa’t isa.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *