Singer-Actress na si Nikki Gil, Excited na sa Pagdating ng kanyang 2nd Baby, Muling Ipinasilip ang Kanyang Baby Bump

Lahat marahil ng mga magulang ay nasasabik sa tuwing may bagong miyembro ng pamilya ang parating. Isang walang kapantay na saya ang hatid ng isang bagong biyayang sanggol sa pamilya.

Katulad na lamang nga ng mag-asawang Nikki Gil at BJ Albert na nalalapit nang masilayan ang kanilang pangalawang anak, na ngayon ay masayang dinadala ni Nikki sa kanyang sinapupunan.

Matatandaan na noong nakaraang buwan ng Abril nang ianunsiyo ng mag-asawang Nikki at BJ na ang kanilang anak na si Finn, ay malapit nang maging isang ganap na kuya. Sa Instagram, ay ibinahagi ni Nikki ang larawan nilang mag-ina, habang siya’y nakahawak sa kanyang nakaumbok na baby bump. Ang nasabing larawan naman ni Nikki ng caption na nagsasabing “Ready, Kuya Finn?”

Photo credits: Nikki Gil | IG

Kamakailan lamang, ay muli na namang ipinasilip ni Nikki sa publiko ang kanyang lumalaking baby bump. Sa Instagram, ay ibinahagi ni Nikki ang kanyang latest photo sa kanyang pregnancy journey. Makikita na nakasuot ang singer-actress na red dress sa kanyang mirror photo kung saan masisilayan ang may kalakihan na niyang baby bump. Ang nasabing larawan ay nilakipan naman ng simpleng caption na:

“Tyan Check.”

Photo credits: Nikki Gil | IG

At tulad nang ianunsiyo ni Nikki ang kanyang pagbubuntis, ay muling bumuhos ang excitement sa comment section ng kanyang post mula sa kanyang mga kaibigan sa industriya ng showbiz.

Sa ngayon nga, ay dobleng pag-iingat ang ginagawa ni Nikki upang maging malusog at ligtas ang kanyang pagbubuntis sa kanyang 2nd baby. Hindi rin maitago ng panganay na si Finn ang pagkasabik sa nalalapit na pagdating ng kanyang kapatid sa kanilang pamilya.

“Someone is excited to meet his new playmate! 😆 while the other one is nervous! 😅🤰🏽 but grateful for my support system aka my husband, my mommy friends.”

Samantala, noong November 21, 2015 nang magpasyang lumagay sa tahimik si Nikki sa piling ng kanyang asawang si BJ Albert na isang businessman sa pamamagitan ng isang intimate wedding ceremony na naganap sa Sta. Elena Golf Country Club sa Laguna.

Photo credits: Nikki Gil | IG

Ilang taon lamang ang lumipas ang kanilang masayang pagsasama at matamis na pagmamahalan ay biniyayaan ng isang malusog na sanggol na lalaki na isinilang ni Nikki noong November 2017. Sa pagdating ng kanilang panganay na anak, ay mas lalong naging masaya at makulay ang kanilang pagsasama bilang mag-asawa.

At ngayon nga, na parating na rin ang kanilang pangalawang anak sa kanilang pamilya, ay tiyak na magiging doble ang saya at kaligayahan sa loob ng kanilang tahanan.

Photo credits: Nikki Gil | IG

Si Nikki Gil ay kilala bilang isang mahusay na aktres, singer at modelo sa industriya ng showbiz. Bagama’t, naging matagumpay ang karera ni Nikki sa showbiz ay mas pinili niyang lisanin ito upang mamuhay ng masaya at tahimik kasama ang kanyang pamilya.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *