Silipin ang tahanan ni Robi Domingo na ginawang inspirasyon ang PBB House

Naging parte na ng bawat buhay ng Pilipino ang programang Pinoy Big Brother. Sa bawat bagong season ng programang ito ay marami tayong nakikilalang mga bagong maaaring maging sikat sa telebisyon.


Photo courtesy: Robi Domingo | Instagram


Photo courtesy: Robi Domingo | Instagram

Marami na ang nabagong buhay ng programa na ito at ang mga dating housemate ay atin ng araw-araw nakikita sa iilang mga programa sa telebisyon.


Photo courtesy: Robi Domingo | Instagram

Hindi na din iba sa atin ang disenyo ng bahay ni kuya na kung saan pwede nating kapulutan ng inspirasyon para sa ating pinapangarap na bahay.


Photo courtesy: Robi Domingo | Instagram

Tulad na lamang ng ginawa ng dating housemate na si Robi Domingo. Kilalang kilala natin si Robi Domingo dahil siya ang naging first runner up sa Pinoy Big Brother Teen Edition Plus noong 2008.


Photo courtesy: Robi Domingo | Instagram

Paglabas niya sa bahay ni kuya ay bumaha ng isang katutak na offer sa kanya at kanya namang taos pusong tinanggap. Lumipas ang maraming taon ay naging parte na siya ng PBB bilang isang host.


Photo courtesy: Robi Domingo | Instagram

Maliban sa pagiging host ay isa din siyang aktor, modelo, at VJ. Hindi talaga matawaran ang kagalingan ni Robi pagdating sa mga bagay na kanyang kinabibilangan.


Photo courtesy: Robi Domingo | Instagram

Parang ipinanganak ang host para gawin ang mga bagay na kanyang ginagawa ngayon. Kamakailan lamang ay nagawang ipakita ng sikat na host ang kanyang tahanan sa pamamagitan ng isang Vlog.


Photo courtesy: Robi Domingo | Instagram

Mapapanood sa video ang hindi mapantayang ganda ng kanilang tahanan na kung saan pagpasok mo palang ng kanilang tahanan ay bubungad na agad ang isang katerbang halaman. Ang mga halaman na iyon ay tanim mismo ng mga magulang ni Robi.


Photo courtesy: Robi Domingo | Instagram

Mapapansin din sa video ang napakalinis na sala ng bahay at mayroon pang napakacute na Koi Fish pond na saad ni Robi na ang mismong ama niya ang nangangalaga nito. Maliban dito ay ipinakita din niya ang isang baby piano na mismong si Dr. Vicky Belo ang nagregalo sa kanya.


Photo courtesy: Robi Domingo | Instagram

Tulad din ng mga bahay ng ibang artista ay mayroon din silang entertainment area na kung saan doon madalas silang mag anak nagsasama at nagbobonding.


Photo courtesy: Robi Domingo | Instagram

Ipinagmalaki ni Robi ang ilang bahagi ng kanilang tahanan na kung saan nakahango ito sa bahay ni kuya. Tulad ng kanilang storage room at isang tila confession room na kung saan doon sila nagdadasal. Sumunod dito ay ipinakita din niya ang kwarto ng kanyang lola at kwarto din mismo nila ng kanyang kapatid na si Maro.