Silipin ang Napakagandang Bahay na Naipundar ng Aktres at TV Host na si Pauleen Luna sa Quezon City Bago Pa Man Niya Maging Asawa si Bossing Vic Sotto

Bago pa man maging asawa o maybahay ng Pambansang Bossing na si Vic Sotto, ang aktres at TV host na si Pauleen Luna, ay mahabang panahon na rin ang ginugol ni Poleng sa showbiz upang patunayan ang sariling kakayahan.

Nakilala si Poleng sa industriya ng showbiz matapos sumali sa segment ng Eat Bulaga na Little Miss Philippines noong 1995. Sa kanyang paglaki ay nahasa ang kanyang kakayahan bilang aktres at nagsimulang umarte sa edad na 13. Nang tumagal naman ay naging isa na si Poleng sa mga co-host ng longest running noontime show na Eat Bulaga kung saan nga ay naging malapit sila ni Bossing hanggang sa maraming kilay ang napataas sa pag-amin ng kanilang relasyon dahil sa agwat ng kanilang mga edad.

Hindi naman ito naging hadlang sa kanilang pagmamahalan. At noong taong 2016 nga, ay naganap ang kanilang pag-iisang dibdib sa St. James The Great Parish Church sa Alabang. Ang kanilang matamis na pagmamahalan ay biniyayaan ng isang napakacute na babaeng anak. Siya si Tali o Talitha na isinilang si Poleng noong November 6, 2017.

Photo credits: Pauleen Luna Sotto | IG

Samantala, noong hindi pa si Poleng nakakapag-asawa ay naninirahan siya kasama ang kanyang pamilya sa Quezon City. Ang tatlong palapag na bahay na ito ay may sukat na 680sqm na may 4 na bedrooms. Kasama ni Poleng sa bahay ang kanyang Daddy Eugenio, Mommy Chat at kapatid na si Miguel at dalawa nilang alagang aso.

Pagpasok palang sa loob ng bahay ay bubungad na agad ang napakaganda at maaliwalas nitong kapaligiran dahil sa modern minimalist design nito. May nakakarelax namang ambience ang living room dahil sa off-white walls nito na binagayan ng grey sala set at kulay brown nitong floor tiles.

Photo credits: realliving.ph

Ang ina ni Poleng na si Mommy Chat na isang retired interior designer ay mas piniling maaliwas ang living room sa paglalagay ng cove lightning at recessed ceiling lights.

Photo credits: realliving.ph

Pinaghiwalay naman ang living area at dining area ng glass panels at sliding glass doors. Makikita naman sa dining area ang glass-top dinner table na may 10 seating capacity.

Photo credits: realliving.ph

Classic naman ang dating ng disenyo sa kitchen area dahil sa kombinasyon ng disenyong kulay black at kulay white. Makikita namang maayos na nakasalansan ang mga kagamitan sa kusina. Malinis namang tingnan ang sink, cooktop at iba pang kitchen fixtures maging mga appliances.

Photo credits: realliving.ph

Ang master’s bedroom naman na nagsisilbing silid ni Poleng ang may pinakamalaking bahagi ng bahay na may sukat na 54 sqm.

Photo credits: realliving.ph

Photo credits: realliving.ph

Dahil nga isang deboto ng simbahang katoliko ang pamilya ni Poleng ay may parte ng bahay na kanilang inilaan para rito. At ito ay matatagpuan sa hallway sa 3rd floor ng kanilang bahay kung saan nakadisplay ang crucifix sa pader at imahe ng Virgin Mary na nakalagay naman sa console table.

Photo credits: realliving.ph

Photo credits: realliving.ph

Mas pinaganda naman ang bahay ng pamilya ni Poleng ng kanilang swimming pool na may sukat na 10 by 3.5 meters area at lalim na 6 ft.

Photo credits: realliving.ph

Talagang hahanga ka sa ganda ng bahay ni Pauleen at makikita talaga dito kung gaano nila pinagsikapan ipatayo at pagandahin ang tahanang ito.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *