Silipin ang Napakagandang 3-Storey Town House na Nabili ni Joshua Garcia Para sa Kanyang Pamilya na Bunga ng Kanyang Pagsisikap

Si Joshua Garcia ay isa sa pinakasikat na aktor sa kasalukuyan kung saan ay talagang namamayagpag ang karera sa showbiz. Dahil nga sa kanyang natatanging husay sa pag-arte ay hindi siya nauubusan ng proyekto. Dahilan nga upang makamit niya ang kanyang mga pangarap sa buhay. Isa na nga rito ang mabigyan ng napakagandang bahay ang kanyang pamilya.

Photo credits: google.com

Nagsimula ang karera ni Joshua sa showbiz matapos maging kalahok ng talent reality show ng Kapamilya Network na Pinoy Big Brother:All In noong 2014. Si Joshua ay tubong Balayan, Batangas kaya naman binansagan siyang “Tatay’s Boy ng Batangas”.

Photo credits: google.com

Magmula nang makilala sa PBB, ay agad na dinagsa ng mga proyekto ang kanyang karera. At nagsimula nga ang pag-arangkada ng kanyang karera noong 2015 sa mga teleserye. Ilan nga sa kanyang mga ginampanang mga teleserye kung saan kanyang ipinamalas ang kanyang husay ay Nasaan Ka Nang Kailangan Kita, at nasundan pa ng maraming Kapamilya teleserye tulad ng The Greatest Love, The Good Son, at Ngayon at Kailanman.

Hindi naman na nakapagtataka na ang kanyang kahanga-hangang husay sa pag-arte, ay dinala siya tagumpay kung saan ay ilang ulit rin siyang nagkamit ng parangal.

Photo credits: google.com

Samantala, hindi naman maikakaila na ang talento at kasipagan ni Joshua, ay may matamis na bunga. Ibinunyag nga ni Joshua sa isang panayam ng Pep, na ang napakagandang 3-storey town house na binili niya para sa kanyang pamilya sa Quezon City, ay bunga ng kanyang pagsisikap at talagang naglaan siya ng pera para dito.

Photo credits: google.com

“Actually ‘yung bahay na binili ko –– ’yung town house na nabili ko, parte lahat ‘yun ng pinaghirapan ko. Isa na dun ‘yung sa Jollibee Yum Burger. ‘Yung Jolly Hotdog kasi na endorsement dumating siya nung nabili ko na. So para sa akin, mas gumaan ang pakiramdam ko kasi kakalabas ko lang ng pera, bumalik agad ‘yung blessing sa akin. Nabawi ko agad ‘yung nilabas ko. Kaya thankful ako kay Lord kasi hindi niya ako pinapabayaan dito sa industriya na ‘to.”

Photo credits: google.com

Samantala, makikita naman sa isang post ng tagahanga ni Joshua, ang ibinahagi nitong mga larawan na kuha sa naganap na house blessing ng kanyang bahay. Matatandaan na noong Pebrero 2019, nang kumalat sa social media ang mga larawang kuha sa kanyang bahay, at makikita nga na masaya ang naging house blessing ni Joshua na dinaluhan ng kanyang mga kaibigan, pamilya at ilang tagahanga.

Photo credits: google.com

Hindi naman natatapos ang pagtupad ni Joshua sa kanyag mga pangarap dahil ang sunod niyang goal na kanyang tutuparin, ay makapagpatayo ng kanyang dream house. Hilig nga ni Joshua, ang mag-ipon ng pera na mula sa kanyang kinikita para unti-unti rin niyang matupad ang kanyang mga pangarap.

“Iniipon ko siya kasi hindi puwedeng labas lang ng labas ng pera. So para sa akin, iipunin ko muna ‘yun. And then kapag nakapag-decide na ako ipundar na panibago, tsaka ko siya ilalabas ulit. So ipon muna ulit.”

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *