Silipin ang Napakagandang 2-storey House ng Aktres na si Jennylyn Mercado na May Modernong Disenyo sa Quezon City

Ang aktres na si Jennylyn Mercado ay talagang pinaglaanan ng oras at salapi ang kanyang dream house na nagsisilbi niyang tahanan kasama ang kanyang pamilya. Mahalaga kay Jennylyn sa sa tuwing pag-uwi niya galing trabaho ay makakapagrelaks at pahinga siya ng maayos.

Kaya naman, ang bahay na bunga ng pagsisikap ni Jennylyn matapos magwagi bilang Grand Winner sa reality talent search na StarStruck ay talagang kanyang pinapahalagahan at iniingatan. At kamakailan, ay ipinasilip ng aktres ang kanyang napakagandang 2-storey house na may modernong disenyo na matatagpuan sa Quezon City.

Binigyan ng personal touch ni Jennylyn ang loob ng kanyang tahanan kung saan siya ang nagbigay ng disenyo sa unang palapag ng bahay. Makikita sa pagbubukas ng pinto ng kanyang humble home ay bubungad malawak at maaliwalas na living area kung saan makikita ang mga wooden furniture na mula sa Pampanga. Katulad na lamang nga ng console table kung saan nakadisplay ang ilang larawan at iba pang dekorasyon.

Photo credits: google.com

May area naman kung saan makikita ang nakahandang dalawang komportable upuan na maaaring maging pahingaan habang nagbabasa ng libro.

Photo credits: google.com

May makikita namang isang Yamaha baby grand piano sa isang area malapit sa hagdan bago umakyat sa ikalawang palapag. Sa kabuaan ay talagang napakaganda ng living area ng bahay ni Jennylyn na pinaganda ng beige couch at all white walls.

Photo credits: google.com

Photo credits: google.com

Ang dining area naman ay napakaeleganteng pagmasdan dahil sa moderno nitong disenyo. May nakahandang dalawang dining area ang bahay ni Jen para sa masayang salo-salo ng kanilang pamilya. Ang isang dining area na hindi kalayuan sa kusina ay may nakahandang 8 seater dining table. May makikita rin ritong TV na nakasabit sa pader kung saan ay pwede silang manood habang kumakain.

Photo credits: google.com

Photo credits: google.com

Ang kitchen area naman ng bahay ni Jen ay may malawak na espasyo kung saan ay malayang nakakagalaw ang gagamit nito sa tuwing maghahanda ng pagkain para sa kanilang pamilya. Makikita rin na maraming lagayang drawer at cabinet sa kusina at ang mga gamit nga rito ay nakaayos ng mabuti sa kanilang lagayan.

Photo credits: google.com

Sa pag-akyat sa hagdan ng 2nd floor ng bahay ay bubungad ang galery wall kung saan nakadisplay ang mga unforgetable photos ni Jen, na kuha sa kanyang travels, at iba pang masayang kaganapan sa buhay niya. Makikita rin rito ang larawan ng kanyang gwapong anak na si Jazz at larawan ng kanyang Mommy Lydia.

Photo credits: google.com

Sa den area naman madalas magbonding si Jen at ang kanyang pamilya. Makikita rito ang 3 reclining chair na talagang komportableng upuan habang nanonood ng pelikula.

Photo credits: google.com

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *