Silipin ang mga Larawan ng Aktres na si Claudine Barretto na Bumihag sa Puso ng Maraming Pilipino Noong Kasagsagan ng kanyang Karera sa Showbiz

Kilala sa kanyang tunay na pangalan na Claudine Margaret Castelo Barretto ang isa sa tinitingalang aktres sa industriya ng showbiz na si Claudine Barretto. Ang kanyang husay sa pag-arte ay kanyang pinatunayan sa loob ng dalawang dekada.

Photo credits: google.com

Isa nga si Claudine sa mga sikat na artista ng kanyang henerasyon na bukod sa taglay ang talento sa pag-arte, ay taglay rin ang napakagandang mukha na talaga namang hinahangaan ng marami. Ngayon nga, ay 41 taong gulang na si Claudine kung saan ay taglay parin ang kanyang walang kupas na kagandahan.

 x

Photo credits: google.com

Dekad 90 nang pasukin ni Claudine ang industriya ng showbiz at masasabi na talagang namayagpag ang kanyang karera. Unang nasilayan si Claudine sa youth-oriented variety show na Ang TV noong 1992. Nasundan naman ito nang mapabilang siya sa cast ng comedy sitcom na Home Along Da Riles ng kaparehong taon. At pagsapit ng 1993, ang TV show na ito ang naging pelikula kung saan nga nagsimula ang kanyang kasikatan.

Photo credits: google.com

Taong 1997 naman ng ipamalas ni Claudine ang kanyang husay sa teleseryeng “Mula sa Puso”. Ito ang kanyang kauna-unahang lead role na ipinalabas sa Kapamilya Network na umere sa telebisyon sa loob ng halos tatlong taon. At dahil sa kanyang kahanga-hangang pagganap sa mga drama sa telebisyon noon ay binansagan siyang “Optimum Star”.

Photo credits: google.com

Mas lalo namang sumikat ang pangalan ni Claudine sa showbiz matapos makatambalan ang sikat na aktor noon na si Rico Yan. Marami ang pinakilig ng kanilang tambalan na talaga namang masisilayan ang isang tunay at wagas na pagmamahalan. Kaya naman, ang kanilang pag-iibigan on screen ay nauwi sa tunay na buhay na nagsimula noong 1998 at nagwakas noong 2002 dahil sa hindi inaasahang pagpanaw ni Rico Yan.

Photo credits: google.com

Photo credits: google.com

Photo credits: google.com

Matapos naman ng kabiguan sa naunang pag-ibig ay muli namang umibig si Claudine sa aktor na si Raymart Santiago kung saan sila ay ikinasal noong 2006 ngunit, naghiwalay naman noong 2013. Biniyayaan naman ng dalawang anak ang kanilang pagsasama sina Sabina at Santino.

Photo credits: google.com

Bagama’t, nauwi sa hiwalayan ang kanilang relasyon ni Raymart, ay masaya naman si Claudine sa piling ng kanyang mga anak. Makikita naman na kahit lumipas na ang panahon ay nananatili parin ang taglay niyang magandang mukha.

Photo credits: google.com

Samantala, huli namang napanood si Claudine sa isang episode ng Maalala Mo Kaya sa Kapamilya Network noong 2019. Minsan ring ibinahagi ni Claudine ang mga kaganapan sa buhay niya sa late-night talk show na Tonight With Boy Abunda. Isa na nga rito ang plano niyang magbalik showbiz.

Photo credits: google.com

At ngayon nga sa muling pagbabalik showbiz ni Claudine, ay usap-usapan rin ang pagbabalik tambalan nila kanyang on screen partner at ex-boyfriend na si Mark Anthony Fernandez kung saan ay magkakasama sila sa pelikulang Deception.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *